Friday, November 2, 2012
Friday, October 19, 2012
tula: Taong Ligaw
Sila itong mga taong ligaw,
Doon sa entablado pilit sumisigaw;
Tumunog na kampana ng batingaw,
Sila daw ang maghain sa hapag kainan ng sabaw.
Mga pusturang hindi mo talaga matatawaran,
Baon ay ang pangakong kanilang bibitawan;
Sila na daw ang pag asang mag aahon sa kahirapan,
Animo'y komedyanteng humihingi ng pansin ng karamihan.
Sunday, October 14, 2012
ILAW
Asar na asar ako matapos akong gumising mag aalas
kwatro ng hapon, isang miskol mula sa QC. Hay site na naman sa alanganing oras
at malamang ay gagabihin ako pag uwi pabalik ng planta nito. Tandang tanda ko
Oktubre trese dalawang libo at labing dalawa. Hindi nga ako nagkamali nag
aagaw ang liwanag at dilim ng makatapos akong gumawa ng sample sa site.
At habang pauwi ako at sakay ng pang konkretong
sasakyan at gabi na ng panahon na iyon ay nagmasid ako sa paligid. At umagaw sa
aking paningin ang mga nag kikinangang mga ilaw. Talaga namang aagaw ng pansin
ang mga kumikinang na ilaw sa paligid, ilaw ng mga poste, gusali at mga
sasakyan. Napa isip tuloy ako sa mga simbolo ng mga nag gagandahang ilaw na mga
ito. Paano kung isa akong ilaw mahirap din pala kase bawat ilaw ay may simbolo
at bawat ilaw ay may responsibilidad.
Subscribe to:
Posts (Atom)
