Tuesday, September 25, 2012

Makabagong Dalaga


Sa aking pagmamasid dito sa bagong henerasyon ay hindi ko naiwasang maikumpara ang panahon noon sa panahon ngayon. Noon ang mga babae sobrang balot sa damit at hindi makabasag pinggan, ni hindi mo pwede mahawakan dahil sigurado kasalan ang kakalabasan.

Hindi ka pwedeng manligaw sa kalye, at hindi ka pwedeng hindi manliligaw ng hindi dadaan sa pagsisibak ng kahoy at usong uso noon na kung tawaging  "harana".  Aw talagang nakakilig sa mga babae kapag sila ay naharana lalo pa at iniirog nya rin ito. Sabi nga sa kanta ni blackjack kung hindi ako nagkakamali "lolo kahit baduy kayong pumorma kay lola ikaw lang ang nauna at sabi pa ang babae noon parang suman ni wala kang masilip". Lubhang makatotohanan ang binitawang mga tono sa kantang iyon. Sadyang napakalaki ng pinagbago ng panahon hindi basta nakahinto at ito ay nababago dala na rin ng mga makabagong teknolohiya.

Sa isang banda sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang pulutong na nagchichismisan sa pagbungad palang ng haring araw. " Ang dalagang iyan naku kalandi buntis walang ama". Bungad ng isang talakerang chismosa.

Sunday, September 23, 2012

PRINSESA AKO NOON BAYANI AKO NGAYON " PART 2 "


Habang sa pagpapatuloy ng aking lathala at pag papanayam sa isang kaibigan punong puno ng pagsubok ang kanyang buhay ay hindi ko maiwasan ilagay ang sarili ko sa kanyang sitwasyon at talaga naman kinukurot ang puso habang patuloy siya sa pagsalaysay ng kanyang mga pinagdaanan.

Ø  Ano naman nangyari noong nasa puder kana ng mga lola at lolo mo sa father side mo? May pagmamalupit ka bang naranasan sa kanila? “Pag uusyosong tanong ko sa kanya”.

At dahil nga sa nakikitang kakaibang trato ng aking mga lola sa mother side ko ay agaran akong kinuha ng aking mga lolo at lola sa father side. Dito maayos naman ang trato ng aking mga lolo maliban na lamang sa mga kapatid ng tatay kong pumanaw. Sina lolo na rin ang nag paaral sa akin dahil na rin sa bayani sila ng panahon ng hapon noon ay may buwanan silang pensyon kaya naman iyon ang ginagamit ko sa pag aaral at doon nag ugat ang inggit ng aking mga tiyahin sa hindi ko malaman na dahilan. Minsan akong nakakaranas ng pang aalipusta at makarinig na masakit na salita mula sa sarili kong kadugo. Andiyan yong lahi daw kami ng mamatay tao dahil na rin sa malapit na kamag anak namin sa mother side ko ang pumaslang sa aking ama na kapatid nila. Dumanas din ako ng pananakit mula sa kanila jhaz, bukod sa masasakit na salita mula sa kanila ay kaakibat pa noon ay ang pananakit at pambubugbog. Wala naman magawa ang aking mga lolo kundi iiyak nalang sila. Nag ugat ang lahat ng inggit na iyon at tiniis ko ang lahat mula sa mga tiyuhin, tiyahin at maging mga sariling pinsan ko. Pineperahan ko lang daw ang mga lolo ko na silang nag papaaral sa akin. Subalit sa kabila ng mga iyon ay hindi naging hadlang para mapigilan ako sa aking pag aaral. Nakatapos ako ng elementarya at high school ng may mga matatas na marka at may mga parangal na tinamo. Pati ang mga pang aalipusta ng mga kaklase ko sa eskwelahan ay hindi naging hadlang upang matapos ko ang pag aaral, bulag daw ang aking lolo at mistulang patay na kalahati ang katawan nag aking lola ang palagiang tukso sa akin ng mga kaklase ko. Dahil nga naging alipin ang aking mga lolo at lola noong panahon ng “hapon” kaya nila sinapit ang mga kapansanang iyon.

Thursday, September 20, 2012

ROSAS AT TINIK | Tula para sa Kanya




Nang mamatyag ko ang isang rosas,
Sa puso ko siya pala ang magpoposas;
Pag ibig ko na tila ba kay wagas,
Hindi ko mahanapan ng salitang "wakas".

Sa pag ibig ako'y hapong hapo,
Ngunit ng ikaw sa dibdib ay dumapo;
Tila isang abo doon sa hangin,
Gagawin ang lahat ikaw lang ay mapasa akin.