Nagmasid, naglakbay ang utak ko sa kung saan habang nakatulala sa mumunting
hagdanan. Kahit sarili ko, hindi ko maintindihan hanggang naisip ko matagal na
rin pala ako na nangingibang bayan, iba't ibang tao ang nakakasalamuha at iba't
ibang karanasan. Samu't saring naririnig na reklamo ng iba't ibang propesyon. May
reklamo sa nagliliitang sweldo, sa hirap ng trabaho at bigla ko ng naisip, kung may
reklamo kayo ano pa ba ang mga kababayan nating nangingibang bansa para lamang
pasukin ang propesyon bilang KATULONG.
True Stories in M.E by Jhazthine
Tuesday, November 13, 2012
Tuesday, November 6, 2012
Sunday, November 4, 2012
SANAYSAY: PERA
Sa hindi kalayuan mula sa aking lugar na pinag
tutuluan ng pawis ay may pumukaw sa paningin ko ang isang pulutong na puno ng
tao at nakapila, tila ba isang pila sa isang pelikulang sikat sa sinehan. Agad
akong lumapit upang malaman ano bang meron at halos nagkakagulo at
nagsisiksikan ang mga tao iba't ibang lahi. Ah bumungad sa akin ay ang pila ng
mga taong gusto makapag labas ng pera mula sa isang modernong makina na
naglalabas ng pera. Bigla sumagi sa isipan ko katapusan nga pala araw ng sweldo
at ang araw na ito ang pinaka hihintay ng mga tao lalo na sa mga nagtatrabaho
sa ibayong dagat ng tulad ko.
Subscribe to:
Posts (Atom)