Sa mga hayok at gutom na mga lalaki;
Sa kakarampot na perang kanyang
maitatabi,
Para sa sikmurang kumalakalam araw man o
gabi.
Pagkatao ay ibinenta at isinangla,
Katawan ay sa kama nakatihaya;
Pikit ang mata sa pangangalunya,
Sila ang sa gabi ay nagbibigay aliw,
Sa dilim ay nagtatago at nagliliwaliw;
Pagkatapos ay parang mga basang sisiw,
Huwag lamang sa buhay ay bumitiw.
Huwag lamang sa buhay ay bumitiw.
Ngunit sa mata nitong nakakarami,
Panghuhusga ay hindi maikukubli;
Panghuhusga ay hindi maikukubli;
Tingin sa kanila ay napakarumi,
Subalit wala tayong karapatan hindi sila masisisi.
Subalit wala tayong karapatan hindi sila masisisi.
Karamihan man sa kanila ay salat sa
kaalaman,
Hindi naman sila maituturing na sakit ng lipunan;
Hindi naman sila maituturing na sakit ng lipunan;
Huwag agad natin sila ay pakahusgahan,
Ginagawa nila ay mayroong kasapatang dahilan.
Ginagawa nila ay mayroong kasapatang dahilan.
Gawain man nila ay may kaakibat na
kasalanan,
Ang laitin sila ay wala tayong karapatan;
Ang trabaho nila ay hindi rin naman nila kagustuhan,
Kapalit noon ay buntong hininga na lamang.
Kung minsan nga ay dapat ding kahangaan,
Ang trabaho nila ay hindi rin naman nila kagustuhan,
Kapalit noon ay buntong hininga na lamang.
Kung minsan nga ay dapat ding kahangaan,
Katawan nila ang naging kasangkapan;
Para sa pamilyang sikmura ay kumakalam,
Lahat ay gagawin gutom lamang nila ay maibsan.
Sa araw nga sila ay magpapahinga,
Lahat ay gagawin gutom lamang nila ay maibsan.
Sa araw nga sila ay magpapahinga,
Sa gabi simula na naman ng kanilang
rachada;
Pikit mata muli tatanggapin na mayroon
pang pag asa,
At hindi habang buhay sila ang laman ng kama.
At hindi habang buhay sila ang laman ng kama.
Sila nga itong kung saan saan napapadpad,
Doon ay halos ang pagkatao ay mawadwad;
Sa patalim kumakapit kahit pa maging
huwad,
Binansagan nga silang kalapating mababa ang lipad.
Binansagan nga silang kalapating mababa ang lipad.
kay ganda ng iyong tula kaibigan
ReplyDeletehanga ako sa lawak ng iyong kaalaman
tunay nga naman ang iyong tinuran
na sila ay huwag husgahan
dahil mas dakila pa sila sa karamihan
huwag kang magsasawang gumawa ng mga tulang makabuluhan
para sa ating mga kababayan at kapwa OFW
mabuhay ka kaibigan
ang ganda ng tula mo ptungkol s mga tinatawag ng lipunan n kalapating mababa ang lipad n nililibak ng mga taong mkikitid ang isip at ang alam lamang ay humusga,snay ipagpatuloy mo p ang paggawa ng mga mkabuluhang tula o storya,god bless jhaz ;)
ReplyDeleteWOW nice
ReplyDeletesalamat po salamat tito jp,salamat ms. Eunice at salamat sir reynel
ReplyDelete