Inukit ng oras, pinatatag ng panahon,
Dekada sisenta ng ang apat ay mag sang ayon;
Na bumuo na mag iisa sa ating nasyon,
Iyan ang kapatiran ko, kapatid kong TRISKELION.
Nirerespeto, ginagalang ng kahit sino,
Mga kapatid kong nagkaisa dahil kay LOLO;
Hangarin namin ay magkatulungan tayo,
Nasa pinas ka man, malapit oh sang sulok ng mundo.
Hindi padadaig, hindi pabubuwal parang isang LION,
Kaya naman tingnan ninyo aming nararating ngayon;
Patuloy ang yabong ngayon, mula pa man noon,
Kabataan ay minumulat sa tamang direksyon.
Iyan ang aking mahal na TAU GAMMA PHI,
Sa kahit anung laban hindi kailanman papaapi;
Subukan nyo mang mag isa't magkampi kampi,
Sa pagkakaisa namin tiyak kayo ang magagapi!
Pero hindi gulo hanap ng mga kapatid ko,
Hangarin nito'y buuin ang iisang mundo;
Pagkakaisang pangarap nyo't pangarap ko,
Kapayapaang hinahangad pati ng aming grupo.
Magmula pa sa panahon ni TALEK PABLO,
Sinamahan pa ni kapatid na ROY ORDINARIO;
Apat sila noon at nagsanib pwersa at talino,
Para sa ikakataguyod ng kapatirang mahal ko.
TRISKELION ang pag asa mo at pag asa ko,
Lumalakad kaming nakataas ang mga noo;
Halika na kapatid sumanib at sumaklolo,
Magtulungan tayong iangat ang ating mundo!
Orihinal na komposisyon ni: Melchor "jhaz" "vollmer" Delos Reyes Escultura
No comments:
Post a Comment