Tuesday, September 25, 2012

Makabagong Dalaga


Sa aking pagmamasid dito sa bagong henerasyon ay hindi ko naiwasang maikumpara ang panahon noon sa panahon ngayon. Noon ang mga babae sobrang balot sa damit at hindi makabasag pinggan, ni hindi mo pwede mahawakan dahil sigurado kasalan ang kakalabasan.

Hindi ka pwedeng manligaw sa kalye, at hindi ka pwedeng hindi manliligaw ng hindi dadaan sa pagsisibak ng kahoy at usong uso noon na kung tawaging  "harana".  Aw talagang nakakilig sa mga babae kapag sila ay naharana lalo pa at iniirog nya rin ito. Sabi nga sa kanta ni blackjack kung hindi ako nagkakamali "lolo kahit baduy kayong pumorma kay lola ikaw lang ang nauna at sabi pa ang babae noon parang suman ni wala kang masilip". Lubhang makatotohanan ang binitawang mga tono sa kantang iyon. Sadyang napakalaki ng pinagbago ng panahon hindi basta nakahinto at ito ay nababago dala na rin ng mga makabagong teknolohiya.

Sa isang banda sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang pulutong na nagchichismisan sa pagbungad palang ng haring araw. " Ang dalagang iyan naku kalandi buntis walang ama". Bungad ng isang talakerang chismosa.

" Inay, buntis po ako! Patawarin nyo po ako kung hindi ko natupad ang inaasahan nyo sa akin?"

" Nasaan ang ama ng dinadala mo iharap mo sa amin at ng mapag isang dibdib kayo hindi maaaring lumaking bastardo ang batang iyan!"

" Pero inay umalis na po siya ng bansa at hindi na mahagilap kung nasaan man po siya "

" Walang hiya kang bata ka, ano ang pagkukulang namin nang ama mo? Pinag aaral ka namin para sa kinabukasan mo pero paglalandi ang ginawa mo. Panindigan mo iyan! "

Iyan lamang ang narinig ko sa kanilang pagdedeskusyon. Na tila ba mamatay o malaking kahihiyan sa kanila ang pagiging isang dalagang ina ng kanilang anak. Hindi ba at mas dapat nating suportahan ang batang dumadaan sa ganitong pagsubok? Eh ano naman kung dalagang ina? Ano bang mawawala sa kahihiyan ng pamilya ang dangal? Isang malaking kalokohan.

Sa totoo lang hindi naman natin dapat ikahiya ang pagiging isang dalagang ina. Tanggap na ito ng lipunan tanggap ng makabagong panahon. Dapat nga narapat na sila pa ay hangaan sapagkat sa kabila ng pag iwan sa kanya ng lalaking walang bayag eh ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang buhay na mag isa at panindigan ang kanilang maling desisyon sa nakaraan.

Ako lubos akong humahanga sa inyo mga dalagang ina dito sa mundo. Wala naman kayong kasalanan kung bakit nangyari iyan eh ang naging kasalanan ninyo lamang ay ang pagkakamali ng mga lalaking mamahalin iyon lamang at wala ng iba pero wala kayong dapat ipagsisisi sa huli sapagkat ang biyayang binigay sa inyo ay isang biyayang magpapakatatag at susubok sa iyong tunay na pagkatao.

Sa makatuwid silang mga dalagang ina ang masasabi natin tunay na may paninindigan. Sila iyong masasabi mong tunay na matatapang,  sila yung tunay na buo ang loob kaysa sa mga lalaking urong ang itlog para harapin ang kanilang mga obligasyon. "ang kakapal ng muka matapos masarapan at magparaos iiwan nalang naka buyangyang". Anak ng kurimao tamaan na kayo kung tataman pero wala kayong mga itlog at bayag loko. Ang kakapal ng tinga ninyo bubukaka aayuda iyan lamang ang alam ninyo pero sa responsibilidad na haharapin wala na andoon na at nagtago na sa pundiyo ni ina.

Kaya sa inyo mga dalagang ina huwag kayong mahiya at dapat taas noo pa kayong humarap sa publiko. Eh ano naman kung walang ama may anak ka naman at tanging iyon naman ang importante kaysa sa amang walang kwenta. At huwag na huwag itatak sa isip ang pagpapalaglag isipin ninyo nalang gumawa na nga kayo ng kasalanan huwag ninyo ng dagdagan pa.

Sa inyo mga katotong dalagang ina taas noo po akong humahanga sa inyo. Sa pagbasa ninyo ng mumunti kong sanaysay na ito at hindi ko alam kung mapupulutan nang aral naisulat ko lamang ito dahil sa aking pagmamasid sa ating bagong lipunan basta ang mahalaga saludo ako sa inyo mga "DALAGANG INA".





Orihinal na komposisyon ni: Melchor "jhaz" "vollmer" Delos Reyes Escultura.

4 comments: