Matapos ang ilang buwan at linggong paghahanap ng murang bahay para lang makatipid sa renta sa Dubai ay marami kaming napuntahan,may ilang halos sardinas na ang inuukupahan para lamang sa kakaunting perang matitipid na maidagdag sa budget nila sa araw araw na gastusin.Hanggang napunta kami sa siyudad (sosyal rigga) ui kina mami kung tawagin sa isang lumang gusali na kanyang pinapaupahan may kagandahan naman ang loob ng kanyang mumunting nirerentahan at doon nga kami ay umupa nang ilang buwan matapos kaming maghanap ng bahay na masisilungan buong akala naming ay maganda na ang lagay naming bukod sa mura na ang upa ay may mababait pa kaming kabahay ( mabait daw ).Nagkaroon na kami ng duda matapos kaming singilan ng advance and deposit na dati ay hindi naman nya ginagawa..At makalipas ang isang linggo matapos ang kanyang hiningi boom ayun ipapagiba na pala ang gusali na isa na yata sa pinakaluma sa bayang nasabi..Hindi namin alam kung paano lilipas ang gabi gayong may kainitan pa ang panahon at sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumawag ang isang katrabahong nagmamalasakit sa amin nang kanyang mabalitaan ang sinapit namin.
Phone ringing: kring kring kring kay simon pala
Simon: Hello ferdz?
Ferdz: hoi simon pedro dito na kayo lumipat sa amin sa hor al anz.
Simon: Magkano naman ang renta diyan?
Ferdz: upahan nyo na yung isang bakanteng kwarto 500 apat kayo
Simon: ok sige papunta na kami diyan at agaran kaming lilipat nina Jhazthine,Manager, at Mac. Pero wala pa kami pambayad huh alam mo naman naisahan kami sa kwartong aming inuupahan.
Ferdz: sige sabihin ko kay tita Marian. (ui natatandaan nyo paba siya si madam Marian).
Ferdz: sige sabihin ko kay tita Marian. (ui natatandaan nyo paba siya si madam Marian).
Wow ang ganda naman dito iyon nalang ang aming nasabi mukang malinis at kaaya aya talaga ang bahay na iyon..ANDALOSIA villa No. IV. Sa unang pagdating namin ng gabing iyon ay agad na bumungad sa amin si chinita mukang chekwa sino kaya yun ay nagtagalog pinay pala. At isa isa kaming pinakilala ni ferdz sa kanilang mga kasamahan sa bahay.
Ferdz: Long sila yung bagong lilipat sa bahay natin mga bagong makakasama natin dito sina Simon,jhaz,Manager at Mac.
Apat: sabay sabay “hello po sa inyo magandang gabi po”
Long: ah kayo ba ang mag papa house warming sa susunod na linggo “rules is rules” magpapainom magpapakain kayo at humanda kayo kay Bernadette.
Ang sarap sadya ngang isa pala silang pamilya sa bahay na yaon at nang gabing iyon ay nakilala naming ang lahat ng mga kabahay na nakatira dun kabilang na sina Ana, Lorie, DaDa, Jhen, Long, Badet,Woh at asawa nya si ate Shiela At iba pa mahirap isa isahin “wag na kayo magtampo blog ko to”.Hindi lumaoy kaysarap ng mga samahan sa bahay nay un ulam mo ay ulam nila at ulam nila ay ulam mo ang sarap isa nga talagang matatawag na pamilya.
Sa hindi malamang dahilan ay may mababawas sa selda kuatro ang isa sa pinakamalaking kwarto doon ang grupo pala nila ate Anna ang lilipat at lilisanin na ang pamilyang Anda.Lumipat nga sila sa hindi lang din naman kalayuan kaya naman nakakarating pa rin sila kung may salo salo dahil nga tatak pamilya na ang lugar na yon..Disyembre nalalapit na araw ng kapaskuhan at siyempre kami naman ay isang pamilya at likas na kristyano ay sineselebryet naming ang araw ng kapaskuhan at unang araw naming ng pasko na malayo sa aming pamilya subalit isang pamilya din naman sa dubai ang aming kasalo sa hapag kainan at sasalubungin ang unang pasko sa ibang bansa..christmas party ng anda ang tema berde “hindi utak kundi damit” at temang pula para masaya palitan ng regalo kantahan at wagas na inuman ang saya palang mag pasko at makatagpo ng isang pamilya sa abroad lalo nat nangungulila ka sa tunay na pamilya mo pero masaya lalo na anjan ang tequila yare na tayo kay badet may red horse pa walang katapusang inuma sa kalagitnaan ng kalamigan ng panahon…
At sa hindi kalaunan nawala ng orihinal na anda at napalitan naman ng marami at mas masaya doon sa rooftop ang tambayan naming bawal kase mag inom sa kusina sa kung saan baka magising si “koykoy” ang mununting anghel ng aming pamilya na anak nina ate shiela at kuya woh.Kaya doon sa taas mag yngay kung mag yngay basta masaya ang inuman walang wagas na tawanan kaysarap ngang balik balikan..
Ibat ibang lugar ang pinanggalingan sa lupang tinubuan subalit ang puso ay iisa..my Ilocano tagalog bisaya at kung anu anu.May kasama pang arabong multo oh diba sino naman makakalimot sa bawat yabag ng paa sa hating gabi sa salamin na tila ba may nakatingin natatandaan nyo bay un?At sinong makakalimot sa lutong “wall to wall” ni Donald dininding yun nyahahah natatawa kana??baka naiiyak??Sinong makakalimot sa just once na paboritong kantahin ni ferdz sinong makakalimot sa uling kung tuksuhin nakakaiyak na habang ginagawa ko to basa na yata ang keyboard ko..Sinong makakalimot sa alak na idedeliver at tatanungin agad ay pangalan ni mama badet sinong makakalimot sa vegetable salad ni ate marge,,teka wala akong matandan kay mama long ayon naman pala tamad magluto nyahahaha….oh tatawa yan nawawala ang mata..sinong makakalimot sa piniritong mane ni mama badeth..At special tongue sauce ni ate shiela “lenggua” at paghahanda sa tuwing sasapit ang bawat buwan ng kaarawan nang aming anghel..Sinong makakalimot sa adobo ko sa soup ni simon at sea food sisig ni kuya jhe ui infairness miss na kita kuya jhe.. ang mga sample product ni “nget” carol na inuuwi at pinapakain sa kasambahay ui carol piscasio ni kulet??hehehe wag kana umangal sabi ko nga Blog ko to.
Sinong makakalimot sa binyag ni koykoy na makatapos ay halos isang ulupong na gangsta ang anda at dumayo sa playground anak ng kurimao sasakay pa ata sa ride ay ayan na nga yare na sinong makakalimot sa pag tile at pagmumura ko sa operator ng hinayupak na rides na yan para akong baklang nagsisigaw stop it stop it F.U ka stop itttttttttttttttt……
Sinong makakalimot sa mga luhang pumapatak sa taas ng roof top ui aminin lahat yata kayo ay nakaranas umiyak sa rooftop noh wag ng magdeny..Sinong makakalimot sa jumeira bday nina sino bayun sa kung saan naka suot tayo ng mga damit na anda ui effort ko yan..Sa mamzar park na magbubus lang para makarating hahaha..at sinong makakalimot sa bawat kaarawang mayroon may pera o wala ay nakakatikim at naidadaos ng masaya dahil sa pag iisang pamilya sadya ngang napaksarap alalahanin..Nakakaiyak ba o nakakatawa wala pake blog ko to.
At dumating ang araw ng kinakatakutan pinapalayas na kami sa anda paano na kami maghihiwalay ba kami hindi dahil kahit na may nawalay na iilan ay sama sama pa rin kaming tumira sa hindi kagandahan ngunit pinapaganda ng aming samahang pamilya ang bayanihan ay nanatiling andun ang kulturang pinoy na sa amin ay likas pa rin “ansaveh parang andun ako nyahaha” nasa bakasyon pala ako nyan.Hay sino ba naman makakalimot sa creekaton na iyon na yata ng huling lakad na halos buo ang anda na naglakad ng ilang kilometro ang saya ng bawat sandali ang hirap isa isahin huh sobrang dedikasyon ko to kaya ginawa ko to blog ko to at natatandaan nyo paba yung nagpakain tayo ng mga ibon sa creekpark at sa tabing dagat ang sarap tama na huh kayo nalang magreminis ng ibang masasayang pangyayari mga nabuong pagibig naghiwalay sakuna at kung anu anu pa na tila ba walang katapusan.
Ngunit hindi nga lahat ng bagay ay permanente darating tayo sa maghihiwalay ang tanging naiwan sa atin at mga larawan ng puno ng ngiti mga alalang nakatatak na sa puso natin.Mga memorableng hinding hindi ko malilimutan pasasaan ka isa lang naman an gating uuwian ang ating bansang sinilangan an gating bansang tinubuan at doon aasa akong sana ANDALOSIA IV ay mabuo sa isang kasiyahan nanaman na wagas hindi naman nakakamiss ang inuman ang tawanan at magandang samahan iyon ang mahirap talikura,anak ng tete ayan na sira na laptop ko puno nan g luha…Muli sasabihin ko sa inyo mga Anda sa muli po nating pagkikita……
Orihinal na Komposisyon ni: Melchor "jhaz" "Vollmer" Delos Reyes Escultura
No comments:
Post a Comment