Ika dalawamput dalawa ng Mayo taong isang libo siyam na raan walumpu't apat ang araw ng kapanganakan ko... Lumaki sa normal na pamilya kumakain ng tatlong beses sa isang araw, nakakapag laro ng normal, nakakapag aral sa pampublikong paaralan at lumaki sa lugar ng mga bayani... Sa isang lalawigan sa kung saan unang winagayway ang watawat ng kalayaan.... Sa isang bansang tinitingala doon sa timog silangan kita ang kinang at kabayanihan, ugaling maipagmamalaki sa kung saang sulok man ng mundo masasabing lumaki akong Pilipino at mamatay na Pilipino?
Subalit nasaan na nga ba ang "Kalayaan'? Kalayaan bang maituturing tayo'y alipin sa sariling bansa? At ang mga umuunlad ay silang mga dayuhang dati'y ating kinakalaban na ngayon ay sila ang nagpapatakbo ng ekonomiya sa ating sariling bansang tinubuan?? OO katotohanan na mahirap tanggapin nasaan na nga ba ang pinaglaban ng mga ninuno nating nagbuwis ng buhay at gumamit ng tabak upang ipagtanggol ang bansang kanilang minamahal?? Ang tanong ko rin "nasaan"?
Hindi na rin mahagilap ng mga mamayang pilipino nasaan na nga bang kalayaang sinasabi ng mga bayaning halos maghikahos upang mapagtagumpayan lamang ang kalayaang sinasabi nila ngayon. Na ngayon ay mga trapo sa gobyerno ang nakikinabang, mga pulitkong mula sa mababang antas ay walang pili sa pag kamkam ng ng yaman ng kaban ng bayan. Hindi ko sinasabi ito para batikusin ang kung anong mali o tamang gawa nyo sa gobyernong kinalawang at napagiwanan na yata ng panahon mula sa kumikinang sa timog silangan at ngayon ay nahuhuli sa sa lahat na yata ng karera... Ay teka hindi pala dahil ang pilipino sikat pa rin sa mundo sikat sa pag papaalipin sa mga bansang banyaga , sikat kase karamihan laman ng balita mga naaabusong residente ng pilipinas kong mahal, mga inaabusong mamayan at mga anak niyang kapit sa patalim upang makaraos lamang sa bawat sikmurang kumalakalam...
Mga pulubing nagkalat sa lansangan, mga batang maagang nalulong sa pinagbabawal na gamot at krimen ang kinahinatnan..mga propesyonal na nagpapakababa sa ibang bansa at dun pinapamalas ang mga talento bakit? Ganun din ang tanong ko bakit? Subalit kailangan paba itanong kung mga mata naman natin ay dilat sa katotohan oh sadyang nagbubulagbulagan na lamang? Oh baka naman napasarap sa upuan at ayaw ng tumayo upang matanaw ang mga taong humihingi ng pansin kailan ba kayo magigising sa pagkakahimbing?
Wala akong binanggit na kahit anong pangalan bato bato sa langit masakit kung tatamaan, Subalit sa kabilang banda hindi ko naman sinasabing lahat ay trapo yun nga lang hindi maiiwasang ang mga matitino ay mabahiran din ng kadungisan, may mga matitino pa rin naman na nais ituwid ang daan subalit paano nga ba ito maitutuwid kung sa kabababaan ay puno na ng anumalyang bumabalot sa kataasan...Parang kalawang lang yan na pag ang isang tubo ay dinapuan ng nasabing kalawang lalamunin nito ang tubo, Parang cancer kapag hindi mo naagapan lalamunin at panghihinain ang iyong katawan. Ganyan din ang gobyerno kung hindi mo pipigilan malamang mababalot ito ng kalawang na sisira sa isang matibay na haligi...At dahil sa mga kalawang na yan mga, Ordinaryong mamayan ang naapektuhan hindi lang yan mga naghihikahos na kababayan at siyempre kaming mga tinatawag nilang bagong bayani? Anak ng kurimao bagong bayani daw oh...Anu bang bayani dun dahil kami ang nagdadala ng kita sa pilipinas oh bahagi ng pag ahon ng ating bansa, mga bagong bayaning halos alipustahin o halos magkudkod ng kubeta para sa kakarampot na kita? Bagong bayaning kung minsan ay sa kahon na kahoy iuuwi sa bansang tinubuan kung minsan naman ay bagong bayaning inabuso, Ginahasa oh pinagsamantalahan? asan ang bagong bayani?
May kanta ako jan sabi nga “bagong bayani na ang sandata ay luha bigyan nyo naman kami ng kahit konting awa”? Hahahaha nakakatawa ang makabagong bayani hawak ay pangkiskis ng inodoro oh di naman kaya'y andun sa mainit na bansa at inaalipin ng mga banyaga. Buti pa noon tabak at itak ang hawak may laban ka eh ngayon luha, anak ng kurimao napapansin kaya ng mga nagpapayaman yan? Hoy kung anu man ang yaman mo dito sa lupa kamkamin mo nang lahat dahil pagdating sa kabilang buhay latay ng imperno ang madadansan mo at nasaan ang yaman mo?Kaya sana habang maaga pa gumising ka silipin kaming nagpapansin dungawin kaming nanlilimos ng awa.
Hindi ko alam kung paano tatapusin ang mga lathala ko ang mga litanya kong hindi ibig ay batikusin kayo ang ibig ko lang bigyang atensyon kaming mamamayan na muli bumubuhay sa at nagpapakintab sa kinakalawang na tubo...Ipagpaumanhin nyo na po ang aking mga salita kung sa tenga nyo ay hindi naging kaaya aya..isang kabitenyo po ang inyong lingkod…
Orihinal na komposisyon ni: Melchor "jhaz" "vollmer" Delos Reyes Escultura.
No comments:
Post a Comment