Bagot na bagot ako sa isang araw na trabaho sa gitna ng initan walang pumapasok sa isip ko ng araw na iyon facebook lang at nakaupo sa loob ng sasakyan. Hindi ko mawari kung bakit pumasok sa isipan ko ang isang kaibigan noong nasa kolehiyo pa lamang kami, Isang kaibigan na matagal nagbalat kayo sa kanyang pagkatao. Kaya naman agad akong nag bukas ng isang account sa Fb para iwanan siya ng mensahe at usisain ng mga katanungan at walang kasiguraduhan kung mag babalik din ba siya ng mensahe, Mapalad naman ako at sa ilang minuto ay nakatanggap ako ng reply mula sa kanya.
Ø Kamusta kana? Naalala mo paba ako kaklase mo nung kolehiyo? Isang mausisang tanong ko.
" Ok naman ako ikaw kamuzta ka? Andirito pa rin ako sa Dubai ngayon namumuhay ng may katahimikan "agad naman nyang balik ng sagot sa akin".
Ø Argie nagsusulat kase ako ngayon bilang libangan ko, Naglalathala ako ng mga totoong buhay at naging interesado ako sa buhay mo ngayon kase ibang iba mula ng kolehiyo tayo.
" Wala naman ka inte interes ang buhay ko Jhaz ang maipagmamalaki ko lang ngayon proud ako sa pinili ko at hindi ko ito kinakahiya, Pinagmamalaki ko ang kinalalagyan at ang buhay na matagal kong itinago sa inyo noong nag aaral palang tayo... "Malinaw na sagot nya at puno ng kumpyansa.
Ø "Talaga mabuti naman kung ganun, Maaari mo ba ako bigyan ng mga detalye kung paano mo narating ngayon ang kinatatayuan mong pedestal? Isang tanong na mula sa akin na may pag kainteres.
" Jhaz or let say Melchor ganito ang buhay ko noon, Lumaki ako sa isang probinsiya sa atin pero lumaki at nag kaisip na ako sa Cavite. Isang pamilyang maayos naman at tanggap ka bilang isang anak kung ano ka. Bata palang ako alam ko na at nararamdaman ko na kakaiba ako pero pinilit kong pag aralan ang sarili ko kung ano ba talaga ako? Hindi ko rin kase mapaniwalaan kung anu ba itong nararamdaman ko na tila ba naaakit ako sa kapwa ko lalaki. Oo jhaz, nagulat ka? Oo bata palang ako naaakit na ako s kapwa ko lalaki kaya matagal ko itong tinago at pinag aralan muna ang aking sarili kung ako ba ay Eva o Adan. Hanggang ang mga kababata ko at mga nakakalaro ko noong elementarya palang ako hanggang sa high school ay binubuli ako andiyan yung maghuhubo sila at ipapalaro sa akin ang kanilang pototoy hanggang hindi ko alintana sa sarili ko unti unti ko na siya nakakasanayan at hina hanap. Alam mo yung parang nag hahanap ka ng droga? Pero sa kabila ng lahat ng iyon at pilit ko pa rin itinago sa sarili ko dahil hindi ako makapaniwala na nagagawa ko na yon, Siguro ay dahil na rin lumaki ako sa paligid na may kasamang kabilang sa tinatawag na ikatlong kasarian. Oo lumaki ako kasama ang kuya ko na kabilang doon at pakiramdam ko ay nahawa ako o sadya nga lang talaga gusto maging isang tunay na babae. Pero dahil nga ayaw kong makarinig ng diskriminasyon at alipusta ng kapwa sa lipunan natin at pilit kong itinago ang aking pagkatao hanggang maging kolehiyo tayo.
Ø Talaga? Tapos ano nangyari hindi ka manlang ba nakaranas makipagtalik o nagkaroon ng kasintahan na babae, Hindi naman kase halata noong nag aaral tayo oo malambot ka kumilos pero hindi ka katulad ni Yamie na lantad ang pagkatao bilang kasapi sa ikatlong kasarian.
" OO pilit kong ikinubli sa inyo ang lahat kaya swerte ako na nakakayakap sa mga kakaklase natin ( charot ). Nagkaroon naman ako ng nobya actualy mga edad desais na yata ako o desi otso hindi na rin matandaan kase pag naiisip ko nandidiri ako sa sarili ko pumatol sa kapwa ko babae ( feelingera diba ) hehehe. Hanggang tumulak ako dito sa abroad para alamin ko talaga akung anong gusto ko sa buhay kung magiging lalake paba ako o magiging babae. Pero oo proud ako na pinili kong maging pusong babae. Dito ko napagtanto lahat ng gusto ko sa buhay isa nga ako sa kabilang sa pangatlong kasarian, Alam kong nagulat kayo sa paghaba ng buhok ko at pagladlad ng aking tunay na pagkatao na halos dalawampu't dalawang taon ko siyang tinago. Wala naman naging problema sa mga magulang ko kase maaga nilang natanggap at matagal na nilang kutob marahil ay napapansin na rin nila sa aking pag kilos o baka naman ay alam nilang mahahawa sa aking kuya.
Ø Nakakatuwa ka naman, samantalang noong nag aaral tayo eh yumayakap sa akin sa amin ( pagbibirong sambit ko ). Eh hindi ka manlang ba nakaranas ng diskriminasyon diyan sa Dubai?
" Napakaganda naman katanungan niyan jhaz, Siguro bilang bading hindi maiiwasan ang diskriminasyon, Lalo na dito sa ibang bansa thought hindi naman kami naaalipusta ng ibang lahi minsan kapwa pinoy na rin ang mang lalait sayo.Pero sa totoo lang ang ibang arabo eh mas gusto pa yata nila kami kesa sa iba hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit sila ganun. Bukod sa ibang kababayan natin na pinoy hindi makaintindi sa aming kasarian, Naranasan kong mabiktima ng diskriminasyon sa arabang babae. Yung pakiramdam hindi ko ba alam mung inggit sila, Minsan kase tumawag ng police ang isa sa mga amo kong babae para isumbong ako sa hindi ko malamang dahilan, Ngunit nang aking mapag alaman eh dahil lang pala sa confused siya kung babae ako o lalaki. Ayun dahil sa diskriminasyon at may kahigpitan pa rin naman dito sa bansa ng mga arabo napilitan kong ipagupit ang inalagaan kong buhok.
Ø Ganun? Eh bilang isang kabilang sa ganyang kasarian may minahal kanaba o nakipag relasyon sa lalaki?
" Kung ako ang tatanungin mo tungkol sa relasyon ng lalaki marami na at marami na rin ako karanasan. Oo nakipag relasyon na ako sa isang lalaki noon dito sa Dubai nagsama kami na parang isang tunay na mag asawa subalit habang alam kong nahuhulog na ako sa kanya ako na ang umiiwas dahil ayaw kong magmahal, Takot ako jhaz matulad sa kapatid ko na nagpakamatay dahil sa sobra niyang pagmamahal sa kanyang boyfriend maswerte na lamang siya at nakaligtas siya sa binggit ng kamatayan . Kaya tumatak sa isip ko mula noon na hindi ako magmamahal kase ayaw kong matulad sa kanya na halos ibigay ang buhay para lang sa minamahal kaya naman naglalaro nalang ako at tumulak ako sa KSA para malimutan siya dahil sa nahuhulog na ang loob ko sa kanya subalit dahil na rin sa kahigpitan doon sa bansang iyon ay tumulak ulit ako pabalik dito sa Dubai. Sa totoo lang jhaz utak ang pinapagana ko dahil hindi sa ganun kalaki ang sweldo ko natuto akong kumapit sa patalim, Nakikipagtalik ako sa kanila sa mga ibang lahi tapos kapalit ng salapi ganoon nalang ang ginawa ko kesa magmahal at makipag relasyon na baka sa huli ay hindi ko makayanan. Subalit noon iyon ngayon tinutuwid ko ang mga maling gawa na iyon kaya naman natuto na akong kumita ng sarili ko kahit pa maliit. "nakangiting sambit nya sa akin".
Ø Mabuti naman kung ganoon, mali nga naman ang gumamit ng tao para lang sa kapakanan mo, Anyway may plano kabang magpapalit ng kasarian kung may pagkakataon? "isang huling katanungan ko na hindi makapaniwala na ang dating klasmeyt namin ay eva na ngayon".
" Sa totoo lang jhaz kung papalarin akong magkapera gugustuhin ko talaga siguro hindi ngayon pero darating ang panahon na mabigyan ako ng tyansa magpapalit talaga ako at ngayon jhaz proud ako sa sarili ko at hindi ako nahihiya sa pinili dahil ang gusto ko lang ngayon ay maging isang totoong tao, Hindi ko na iniisip ang sasabihin ng ibang tao basta alam ko kung sino ako kung kasalanan man nakahanda na ako sa parusang aking tatanggapin sa huling hatol, Basta ngayon alam ko masaya ako bilang Eva ngayon... "taas noong sagot niya sa akin".
Ø So paano maraming salamat sa pag bahagi ng parte ng iyong buhay at salamat sa pagtitiwalang binigay mo sa akin at sana sa susunod na pagkikita ng ating klase ay makarating ka kung nasa Pilipinas ka man at sana kung saan man ikaw makarating sa iyong tagumpay ay sana huwag mong kalimutan ang dating pagkatao ni Argie na simpleng tao noon.
-END-
...Sadya ngang marami sa atin ang may matatalim na dila, maraming matang mapanghusga at may utak na hindi kayang palawakin. Sa panahon ngayon ang mga katulad ni argie ay tanggap na ng lipunan tanggap na ng mga tao sa kapaligiran sa hindi ko rin malaman dahilan bakit nga ba sila dumadami gayong wala naman sila matres... Isang katanungan hindi ko mahanapan ng kasagutan. Anyway ang totoo naman niyan ay wala tayong karapatan humusga ng ating kapwa ano mang uri o klase ng tao sila wala tayong karapatan mang alipusta ng kapwa. Dahil sa mundong ito tayo ay pareparehas na hiram lamang ang buhay...
Orihinal na Komposisyon ni: Melchor "jhaz" "vollmer" Delos Reyes Escultura
No comments:
Post a Comment