Nang mamatyag ko ang isang rosas,
Sa puso ko siya pala ang magpoposas;
Pag ibig ko na tila ba kay wagas,
Hindi ko mahanapan ng salitang "wakas".
Sa pag ibig ako'y hapong hapo,
Ngunit ng ikaw sa dibdib ay dumapo;
Tila isang abo doon sa hangin,
Gagawin ang lahat ikaw lang ay mapasa akin.
Ikaw ang sa tenga ko ang tinig,
Ikaw ang sa puso ko ay pintig ;
Ikaw ang bigkas ng yaring bibig,
"OO' ikaw ang aking iniibig.
Kung sa iyo lamang nakaraan,
Wala akong doon ay pakiaalam;
Tatanggapin kita at ang iyong kabuuan,
Mamahalin kita ng tapat at paglilingkuran.
Kung ang nakaraan mo ang balakid,
Handa akong tawirin kahit pa lubid;
Kung ang pag ibig mo kailangan pa i-bid,
Gagawin ko ang lahat sila lang ay ma-beat.
Ang rosas nga ay may tinik,
Handa akong dito kumapit;
Para lang sa iyo ay mapalapit,
Wala ng iba sa akin ay makakaakit.
Isa lang naman sa iyo ang aking hiling,
Ang kasalukuyan sana ang iyong harapin;
Handa kang samahan saan man makarating,
Kahit pa mga tabak at sibat ay handang harangin.
Ang pagmamahal ko nga sa iyo hind ko mahanapan ng dahilan,
Kung bakit tumibok ang puso ng may kabilisan;
Kung hindi mo man ito'y mapagbigyan,
Limang buwan nalang at doon tutungo sa paliparan.
Kung magbago man iyong kaisipan,
Hihintayin ka doon sa lupang tinubuan;
Doon ituloy ang nasabing pagmamahalan,
Hanggang sa dulo ng walang hanggan at kamatayan.
Iaalay sa iyo ang huling hininga,
Iaalay sa iyo ang aking huling salita;
Iaalay huli kong sayo ay pagkalinga,
Iaalay hanggang sa makuha na ako ng lupa.
Orihinal na Komposisyon ni: Melchor "jhaz" "vollmer" Delos Reyes Escultura.
Thank you for joining BNP! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed
ReplyDeletein the BLOGS OF FAME and will be featured weekly on our Facebook page ;)
For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy
Thank you,
BNP
blogsngpinoy.com
magandang tua
ReplyDelete