Friday, September 7, 2012

Manibela ng Buhay


Maraming tao ang kinukumpara ang buhay sa isang bagay, andiyan ang kasabihan ang buhay daw ng tao ay parang gulong na kung minsan nasa itaas nasa ibabaw..Mga katagang tumatak na sa ating kaisipan mga salitang tinanggap nalang ng lipunan kung paano ikumpara ang buhay sa isang bagay..Marahil nga ay may kanya kanya tayong paninwala kung saan mo ikukumpara ang iyong dinadanas na buhay..Maraming bagay ang sa utak mo ay maglalaro bakit ganito bakit ganyan karaniwang tanong mo sa sarili mo bakit nga ba ang buhay ko ay ganito sa kabilang banda wala naman dapat sisihin kase ikaw ang nagmamaneho ng manibela ng buhay mo.
Oo manibela ng buhay mo ikaw lang ang nagmamaneho at dito ko kinukumpara ang buhay ko sa isang manibela na walang nagmamaneho kundi mga sarili lang naman talaga natin kaya naman wala tayong dapat sisihin sabi nga ng mga kabaupang palad ko “walang sisihan” kumbaga sa bawat desisyon ay may kalakip dapat na paninindigan..
Ang isang buhay ay para nga lang talagang sasakyan na kung saan ang bawat parte ng ay sadya nga talagang mahalaga.Ang gasolina na nagsisilbing isa sa importante sa sasakyan ay ang dugo ng ating katawan “hindi bat importante”?Ang gulong na kung saan paano tatakbo ang sasakyan ay ang mga dalawang paa na nagsisilbing panghakbang upang makarating tayo sa lugar na ating pupuntahan.Ang ilaw ang na nagsisilbing liwanag nagbibigay sa sasakyan upang magamit ito sa kadiliman ay ihalintulad mo sa mga mata natin upang Makita ang kaliwanagan sa pangkasalukuyan nating dinadanas isama mo na ang panghinaharap.Ang mga kuryenteng ginagamit sa sasakyan na nagmimistulang mga ugat nito na daluyan nito upang makarating sa piston cylinder ay ang nagsisilbi ding ugat sa ating katawan upang maging daluyan ng dugo patungo sa ating puso na nagbibigay pwersa sa kanilang pagdaloy..Sadya ngang ang sasakyan ay para lamang katawan ng tao.Ang manibela isang importanteng parte na kung saan ikaw ang magmamaneho nito kung saan ka tutungo sa tuwid na daan na iyong lalandasin oh sa magagaspang na daan patungo sa mga maling gawang tatahakin.Ang humps lubak ang siyang nagsisilbing problema sa buhay na depende nalang sa iyong mga gawa kung paano mo ito sosolusyunan reresolbahin paano mo imamaneho ang manibela mo upang maiwasan at malagpasan ang mga lubak ng iyong buhay.
May kanya kanya din tayong pamamaraanan kung paano imamaneho ang sasakyang dala mo oh ang buhay mo minsan mabilis na kung saan minamadali mong lahat sa buhay mo upang makarating sa paroroonan subalit sa isang banda ay sakuna ang kakahinatnan na nagiging sanhi ng hindi magandang pangyayari yun eh yung mga failure o sablay na desisyon sa buhay mo dahil sa pagmamaneho mo ng mabilis sa iyong manibela.Bakit hindi mo subukan imaneho ang iyong buhay ng nakaayon sa nangyayari sa totoong buhay imaneho ng nararapat imaneho ng may kaayusan upang sa bawat lubak man ay malagpasan ng hindi nasisira ang iyong sasakyan?
Sadyang tayo at hindi ibang tao ang magmamaneho n gating dinadalang behikulo,at sa bawat pagmaneho matuto kang gumamit ng preno,prenong nagsisilbing utak mo isip mo kung dapat mo bang tahakin ang landas na iyan?
Teka anu nga bang silbi ng sinasabi mo marahil binabasa mo lang to ng wala lang anu bang aral ang mapupulot eh parang wala lang naman..laliman lamang ang isipan upang makuha ang aking kapahayagan.Makuha ang ibig sabihin nitong aba basta sa huli madapa ka man o hindi isa lang ang iyong pakakatandaan manibela mo iyan at “walang sisihan”!

2 comments:

  1. tama sbi nga tao mismo gumagawa ng kanyang kapalaran at kung d man ito maging tama wag isisi s iba lalo n s taas, ;)

    ReplyDelete
  2. this is an EPIC ! great

    ReplyDelete