Sunday, November 4, 2012

SANAYSAY: PERA


Sa hindi kalayuan mula sa aking lugar na pinag tutuluan ng pawis ay may pumukaw sa paningin ko ang isang pulutong na puno ng tao at nakapila, tila ba isang pila sa isang pelikulang sikat sa sinehan. Agad akong lumapit upang malaman ano bang meron at halos nagkakagulo at nagsisiksikan ang mga tao iba't ibang lahi. Ah bumungad sa akin ay ang pila ng mga taong gusto makapag labas ng pera mula sa isang modernong makina na naglalabas ng pera. Bigla sumagi sa isipan ko katapusan nga pala araw ng sweldo at ang araw na ito ang pinaka hihintay ng mga tao lalo na sa mga nagtatrabaho sa ibayong dagat ng tulad ko.


PERA! Isang papel, minsan ay isang ordinaryong metal. Subalit ano nga bang silbi ng mga papel at metal na iyan? Hindi ba kung titingnan natin ay normal na papel lamang at metal subalit bakit kung minsan ito ang nagiging ugat ng kamatayan, kasakiman? Sabi nga ng iba  “money is a root of evil” isang kasabihan na masakit man tanggapin ay sadya naman na may katotohanan. Ilang sikat na pangalan naba ang nag buwis ng buhay dahil sa mga papel na iyan? At ilan nabang mga taon ang binawian ng buhay? Hindi ba at hindi na mabilang? Masakit na katotohanan na halos ang pera na yata ang nagpapatakbo sa lahat ng tao ngayon. Kung wala kang pera wala kang pagkain, damit at iba pang personal na pangangailangan. Hindi naman siguro masama ang magkamal ng salapi ngunit kung ito ay galing sa malinis na kapamaranan at galing sa bawat pagtulo ng pawis.

Minsan pa ay halos ibenta na ang kaluluwa kay kamatayan dahil lamang sa SALAPI. Isangla ang sarili dahil sa kapirasong papel na tinuturing nating kayamanan. Nakakalungkot isipin na dahil sa pera maraming tao ang halos masiraan ng bait makuha lang ang kanilang inaasam. Hindi ko rin lubusang maisip na kung wala kang pera mamatay kana lamang nan aka “nganga”. Halintulad na lamang nito ay ang mga taong salat sa salapi na kapag nadapuan ng malubhang sakit at kinakailangan madala sa pagamutan ay hindi maasikaso bakit? Kase dahil sa perang iyan.


Sa bansa kong Pilipinas bakit kulang at marami pa rin ang salat sa salapi, naisip ko nga bakit hindi nalang mag gawa ng mag gawa ng maraming pera at ipamudmod sa mahihirap upang maibsan naman ang kanilang sikmurang kumakalam. Pero hindi daw iyon maarin dahil sa pag control ng salapi sa pang internasyonal na merkado. Hay pera nga naman lahat ay kayang bilihin, katotohanan na lahat nalang ng bagay dito sa mundo ay pera ang nagpapaikot. Walang mayaman, walang mahirap, walang sikat o laos dahil maging ordinaryong tao ay kailangan ng pera. Kahit nga daw pag ibig nabibili na rin ng salapi, kahit isang tao ay kayang bilihin maging buhay mo buhay ko ay kaya nga sigurong mabili ng salapi, pwedeng makitil ng dahil lamang ditto. Iyan at Ilan lamang sa nagagawa ng pera. Hayop na pera yan bakit ba nauso pa.

Naisip ko tuloy ang aking pag aaral noong elementarya sa kung saan pinag aaralan ang barter. Yoon bang usong kalakalan noong hindi pa uso ang pera young palitan lamang ng kalakal ay ayos na. Hindi mo na kailangan ng maliit o malaking halaga para sa isang bagay na iyong minimithi. Paano nalang kung iyon pa rin ang uso marahil mababawasan siguro ang krimen ng dahil lang sa salapi. Hindi katulad sa panahon natin ngayon na wala ng kailangan ang tao kundi magkamal ng salapi. Pero matapos makalikom ng higit sa pangangailangan saan napupunta nauuwi din naman sa kamatayan at alam naman natin na hindi maiuuwi o madadala ang pera sa kahon ng kamatayan palagi sana natin iyan ay tandaan.

Solusyon? Wala akong maisip na solusyon sa problemang iyan isa lang ang aking masasabi sa usaping pera iyan ay ang maging “kuntento”. Makuntento sa iyong tinatamasa makuntento sa mga bagay na mayroon ka at huwag ng maghangad ng mas malaki pa dahil baka hindi natin alam sa likod ng pag aambisyon na kumamal din ng maraming salapi ay isa na tayo sa napapaikot ng malademonyong bagay na ito. At pag kalaon ay isa na rin tayo o kayo sa mga taong gagawa ng hindi naaangkop sa tama para magkamal ng PERA!







Orihinal na Komposisyon ni: Melchor “jhaz”  “vollmer” Delos Reyes Escultura.

No comments:

Post a Comment