Friday, October 5, 2012

Tula: Noon, Ngayon at Bukas


 Sa pag ibig may kasiyahan at kabiguan,
Sadyang mahiwaga tinatawag na pagmamahalan;
Isang salita na napakalalim ang laman,
Bawat taong nilikha ang nakakaramdam.

Sa aking pag ibig na nakaraan,
Pilit ko itong binalik balikan;
Sugat na dulot , hindi alam lunasan,
Dapat na nga bang ika'y aking kalimutan?




Sa bangungot ng nakaraan kailangan ko bang paalipin?
Sakit na dulot kailangan ko nabang palipasin?
Hatid na pagkabigo kailangan ko nabang tanggapin,
At ang kinabukasan ay handa ko nabang harapin?

Maraming tanong sa sarili ang naiwan,
Pagmamahalan bakit ganito kinahantungan;
Tayo ba'y hindi pa ganun kakilala ng lubusan?
Para mawasak ng ganun ganun na lamang?

  
Akala ko noon kasing tatag na tayo ng puno,
Na sa kahit unos mananatiling nakatayo;
 Na sa kahit anung dagok tuloy ang pag suyo,
 Ngunit bakit ganito, nabuwag tayo ng mahinang bagyo.
  
Marahil hindi pa ito ang tamang panahon,
Hindi pa ito ibinibigay na pagkakataon;
Sarili muna dapat isipin at siguro ay dapat iahon,
 Mas tuunan ng pansin ang nangyayari sa ngayon.

  
Dapat ngang nakaraan ay huwag kalimutan?
Kasama mong ito hanggang sa kinabukasan;
Mga hamon nalang sa buhay ay iyong labanan,
Nagdaang panahon dapat ngang pasalamatan.
  

Orihinal na Komposisyon ni; Melchor "jhaz" "vollmer" Delos Reyes Escultura

No comments:

Post a Comment