Monday, October 1, 2012

BISYO


Sa patuloy na pag tanaw ko sa paligid, sa alingas ngas ng bawat balita sa tabloyd ay hindi ko maiwasan mag isip grabe na pala ang krimen sa mahal kong sinilangan. Kabilat kabila ang patayan, ang anak ni Ale ginahasa ni sariling ama. Ang pulis sa kanto nagtutulak ng sariling droga ekstra kita. Ang mga batang naglipana sa simbahan, sa ilalim ng tulay at ilalim ng lilim ng puno at sa kung saan saan pang may kanya kanyang dalang supot na kalakip ay rugby! Ang mga kabataang naguumpukan sa labas ng kalsada hubad at maagang lumalaklak ng alak. Iyan ay mga halibawa na namatyagan ng aking matang nababalot ng mga talukap "alangan balakubak"? Patawa lang masyado kasenh seryoso ang aking epiko na hindi ko alam kung may malilimot ba kayong aral.

" Pare! ang seksi ng babaeng iyon oh " Salita ng isang hayok sa laman na lango sa alak.

" Oo nga,  Ano gusto mong gawin natin?" Sang ayon ng kainumang duling na sa serbesa.

Kinabukasan...

Nagkakagulo sa isang ilog! Isang dalaga ang lumulutang sa sa tubig na walang saplot at wala ng buhay. Pinaslang ng mga walang kaluluwang tao mga taong hangal na hayok sa laman.

" May nakakakilala ba sa inyo sa babaeng iyan? " Tanong ng isang matipunong pulis sa imbestigasyon.

" Si Elena Magdalena Asuncion po ang dalagang iyan, Isang matalinong istudyante ng Unibersidad na malapit dito." Sambit ng isang saksing nangangatal habang nagsasalita sa pulisya.

" Ano ang nakita mo ng gabing ginagawa ang krimen? " Bakit hindi kana nakahingi ng tulong? Buong boses ng nag iimbestiga.

" Hindi ko na po nakuhang humingi ng tulong sa takot na madamay ako. Si Boy Bayawak at Totong alak po ang nakita kong gumawa ng krimen. Salit salitan nilang pinagsasawaan ang murang katawan ng matalinong dalaga habang patuloy sa paghingi ng awa ang dalaga at makatapos nilang pagsawaan ay tsaka nila sinaksak ng punyal sa dibdib na siniguradong hindi na mabubuhay." Paliwanag ng testigong nanginginig at naluluha sa pagpapaliwanag.

" Ok! Salamat at malaking tulong ang iyong mga tinuran. At siguradong matatapos ng maaga ang kasong ito. Bukas na bukas ay dadakipin namin ang dalawang hayok sa laman at sisiguraduhin namin kalaboso ang bagsak nila.

Grabe na nga ang mga balitang nagkalat, hindi na yata malilipol ang ganyang mga krimen lalo pa at nasa ilalim sila ng ispirito ng alak na tila ba mga demonyong nabubuhay sa ibabaw ng lupa. Saan nga ba natin isisisi ang lahat sa alak, sa taong umiinom ng alak,  nagtitinda ng alak o sa gobyerno? Kung ano man ang sagot hindi ko rin alam. Nag iinom din naman ang inyong lingkod subalit sa kabila ng pag inom ng alak ay narapat lamang nilagay ito sa sikmura at hindi sa ulo na madaling pasukan ng ispirito ng demonyo. Sadyang nasa tao lamang kung paano dadalahin ang mga bisyong ganito pero ang totoo wala naman tayo mapupulot o makukuha sa pag inom ng alak, sisirain nito ang atay, puso, utak at kung minsan pati pamilya sira. Wasak! Huwag gawing bisyo ang alak baka sa susunod " Laklak ka ng laklak muka ka ng parak".

Habang binabagtas ko naman ang kahabaan ng kalsada pauwi ng bahay sa kalaliman ng gabi, nakakatakot hindi dahil sa dilim kundi sa panahon ngayon na walang patawad ang mga taong halang ang kaluluwa at sa isang madilim na parte ng dilim ay may napuna akong dalawang binatilyong tila ba may pinagtatalunan.

" Pre asan na yung kinukuha ko sayo, gago ka naman eh wala naman gaguhan usapan natin ngayon db"?

" Boy wala nga ako nakuhanan eh, medyo nagkakahigpitan ngayon at maraming pulis ang nakaabang sa bahay ni mang Tilok. Mahigpit siya ngayon at ayaw magbigay iwas muna siya.

" Eh nasan ang pera ko? Alam mo naman ilang araw na ako tigang sa drogang yan eh at hinahanap ng katawan ko. Asan na ang pera ko at hahanap ako ng ibang kukuhanan!" Pasigaw na at galit na sabi ng binatilyo."

" Boy naiwala ko yung pera mo eh, nahulog ng hindi ko namamalayan pasensiya na. "

“ Pare wala naman ganyan pinagloloko mo ba ako”! Galit na pasigaw at sabay hugot sa matalim na lanseta na tumapos sa buhay ng isa nyang kaibigan.

Hay buhay! Ang daming nababawian ng buhay sa mga bisyong nagkalat lamang sa ating paligid. Sa katunyan ano nga bang mapapala o mahihita natin sa pag gamit ng mga ganyang bisyo isang malaking “WALA”. Pero bakit patuloy ang paglaganap  ng ganitong bisyo? Bukod sa wala ng makukuhang sustansiya ang ating katawan sisirain pa ang ating nagsisiglahang katawan. At kahit pa nga isang kaibigan ay masisira dahil lamang sa mga ganyan na bisyo.

Doon naman sa ilalim ng tulay sa isang lugar na aking napuntahan ay napansin kong may naguumpukan na mga menor de edad babae lalaki walang piling nakatambay at may hawak na nakamamatay na sigarilyo at kanya kanyang supot “plastic” na sinisinghot at sa aking pag tataka, nilapitan ko ang nag titipong bata at iyon nga ang bumungad sa akin mga bote ng rugby na kanilang pinaparte parte para singhutin.

Sadya ngang nakakapanghina kung iyong iisipin na sa murang buto nila ay natuto na silang pumasok sa samu’t saring bisyo. Ano ba ang dahilan para mapasok sila ng maaga sa ganoong kalagayan? Ito ba ay dahil sa kinalakihan o kapaligiran kung hindi naman kaya ay sariling kapabayaan ng kanilang pamilya? Mga tanong na hindi ko rin mahanapan ng kasagutan.

Sa tingin ko naman ay hindi pa huli ang lahat may natitira pang pag asa para bumangon at umahon sa kumunoy na inyong kinalubugan. Sabi nga sa nadinig kong isang kanta “ Mabuti pa ay mag isip ka huwag kang tita ng tita habang may panahon kapa”. Isang awiting napaka ganda ng mithiin, tama nga naman mga katoto hindi pa huli ang lahat bakit hindi nyo subukan o kaya naman ay pag isipan na magbago pa at bumangon. Mangarap tayo katoto na hindi lang diyan natatapos ang buhay. Maikli lang ang buhay dito sa mundo kaya ngayon palang pag isipan mo ng husto. At sa mga magulang na gumawa ng mga munting anghel sana maisipan at panindigan ninyo naman ang pagiging isang magulang katulad ng inyong sinumpaan bago pa man kayo magsama. At sana ay huwag ninyo ng hayaan umabot pa ang mga supling ninyo sa mapabilang sa mga batang namulat ng maaga sa BISYO ng mundo.

...... Ang mga tauhan, lugar at pangyayari ay kathang isip lamang ng inyong lingkod. Kung may mga pangyayari o pangalan na naging akma sa totoong buhay ay hindi po sinasadya ng inyong lingkod.



Orihinal na Komposisyon ni: Melchor "jhaz" "vollmer" Delos Reyes Escultura.




1 comment:

  1. isang makabuluhang sanaysay na nagbibigay paliwanag ng tunay na kinahihinatnan ng taong mayroong tinatawag na bisyo, ipagpatuloy mo ang mga ganitong sanaysay na magsisilbing bukas mata sa mga nakakabasa

    ReplyDelete