Paano ko ba sisimulan isang tulang pamamaalam,
Mga salitang parang hindi ko kayang panindigan;
Mga salitang parang hindi ko kayang panindigan;
Sadyang hindi maalis sa akin ang kalungkutan,
Subalit wala akong magagawa, dahil ito ang iyong kahilingan.
Ikaw nga ay nakilala sa isang biglaan,
Kasabay noon ay pag big kong kabilisan;
Pag ibig na yaon hindi ko napigilan,
At iyong karapatan na malaman.
At iyong karapatan na malaman.
Ako nga ay isa lamang na mistulang
hangal,
Naghahangad ng pag ibig mong malinis ang dangal;
Nangangarap na ikaw ay mapa sa akin,
May kalinisan naman itong hangarin.
Ngunit eto na nga ang aking kinatatakutan,
Na ang pag ibig ko ay iyong tanggihan;
Alam kong hindi nakukuha sa madalian,
Handa akong maghintay ngayon at mapabukas man.
Hindi mawala sa muka ang aking kalungkutan,
Nang sabihin mong ikaw ay akin ng tigilan;
Para akong kuting na tinapon sa kung saan,
Ang sakit ay hindi ko kayang talikuran.
Ngunit kung ang pag iwas ko ang iyong kagustuhan,
Iyon ang ibibigay sayo, para sayong kapayapaan;
Hindi ito nagsisilbing ikaw ay aking sinukuan,
Gusto ko lamang manatili sa labi mo ang kangitian.
Ang pangungulet ko ay iyong ipagpaumanhin,
Ang pagmamahal ko sana iyong unawain;
Ngunit ngayong ikaw ay aking lilisanin,
Ang pagmamahal ko sana iyong unawain;
Ngunit ngayong ikaw ay aking lilisanin,
Kaligtasan at kasiyahan mo ang palagi kong hiling.
Pinakamasakit nga ang salitang PAALAM,
Ang hirap gawin ang hirap gampanan;
Subalit ito nga marahil ang nararapat,
Subalit ito nga marahil ang nararapat,
Ang tulad ko sa iyo ay hindi karapatdapat.
Mamimiss ko ang mensahe mo sa umaga,
Mamimiss ko sa gabi ang mga tula;
Mamimiss ko ang kulitan nating kay wagas,
Ang lahat ay mamimiss ko na ngayon ang "wakas"
Mamimiss ko ang kulitan nating kay wagas,
Ang lahat ay mamimiss ko na ngayon ang "wakas"
Salamat sa mga tawang sa akin ay namutawi,
Salamat sa mga hatid mong ngiti sa aking labi;
Salamat sa kasiyahan na sa akin iyong hatid,
Sa isip ko kailan man hindi iyon mapapatid.
-"PAALAM"-
Orihinal na Komposisyon ni: Melchor "jhaz" "vollmer" Delos Reyes Escultura
wow nman my pinaghuhugutan b? damang dama ko ang kalungkutan ah,ang luphet, ;)
ReplyDeletehindi naman po..yung friend ko kase nag paalam sa mahal nya hindi marunong tumula so naisipan ko gumawa para sa kanya....ok ba?thanks po!
ReplyDeleteKala ko po meron n eh,sabi nga nila pag my cmula my wakas,at pag my hello ksunod goodbye,sa panahon ntin ngyn dmo alam angmangyayari sa mga susunod n bukas kya kung anu meron tyo s buhay ngyn ating namnamin at gawing alala pra s oras n dumating ang pmamaalam khit pnu my magagandang alala n maiiwan,

ReplyDelete