Sa mundo, sa langit at lupa ikaw ang
lumikha,
Sa mga kasalanan namin na ikaw ang sumalo dito sa lupa;
Sadya ngang walang hihigit pa sa iyong pagkadakila,
Kahit pa buhay ang iyong inialay para kasalanang aming
nagawa.
Sadya nga Jesus ikaw ang may pusong dalisay,
Hininga mo sa amin ay iyong ibinigay;
Walang hanggang pag-ibig mo sa amin ay inialay,
Mga salita mo sa araw araw ang aming gabay.
Kaakibat nito ay moderno rin na pag gawa ng aming
kasalanan;
Hinihingi namin sa pangalan mo Dyos ang kapatawaran,
Kamay mo
Jesus ang gamitin mo sa aming kaligtasan.
Ang mga talento na ibinigay mo sa akin,
Asahan mo na ito po ay pagiibayuhin;
Gagamitin sa aking mabuting gawain,
Tutulong upang salita mo ay palaganapin.
Sa puso namin Panginoon ikaw po ang maghari,
Mga salita mo sa aming labi ang siyang mamutawi;
Kabutihan ng puso, kabutihan ng loob at pag uugali,
Sa araw araw po Panginoon sa amin palagi ibahagi.
Ang papuri nga ng pasasalamat ay sa Iyo dapat itaas,
Dahil na rin sa aming mga biyayang araw araw dinadanas;
Na sa Iyo nagmumula na walang sawa at walang kupas,
Na sa Iyo nagmumula na walang sawa at walang kupas,
Mga salita mo Panginoon kailanman hindi magagasgas.
Mga salita mo ay Aming diringgin,
Kahit saan ito ay aming dadalahin;
Kahit sa pagkain sa amin ay nakahain,
Sa iyo ang aming unang dalangin.
Kahit saan ito ay aming dadalahin;
Kahit sa pagkain sa amin ay nakahain,
Sa iyo ang aming unang dalangin.
Sa buhay nga namin ay wala na kaming pangamba,
Kapag ikaw Jesus ang naisip at palagiang sinasamba;
Kapag ikaw Jesus ang naisip at palagiang sinasamba;
Ikaw na aming Diyos at tagapagligtas sa tuwina,
Ikaw na nagiisang aming Diyos na palaging kasama.
Sa bawat gabi na kami ay hihimlay,
Ikaw ang sa amin ay gumagabay;
Ikaw ang sa amin ay gumagabay;
Sa pagpikit, buhay namin sa iyo iaalay,
Salamat sa araw araw sa hiningang bagong buhay.
Salamat sa araw araw sa hiningang bagong buhay.
Tunay ngang ang biyaya mo ay liglig, siksik at umaapaw,
Kasaganan mo Jesus sa amin Ipinataw;
Ang kaligtasan nga ay amin ng natatanaw,
Sa kaharian mo nga Jesus kami ay ibilang at Isaklaw.
Kasaganan mo Jesus sa amin Ipinataw;
Ang kaligtasan nga ay amin ng natatanaw,
Sa kaharian mo nga Jesus kami ay ibilang at Isaklaw.
Orihinal na Komposisyon ni: Melchor "jhaz" "vollmer" Delos Reyes Escultura
No comments:
Post a Comment