Kulang tatlumpung dekada ng akoy sinilang
Sa aking mahal na Bansang kinamulatan
Dito namulat sa aking lupang tinubuan
Na kung tawagin ay perlas ng silangan
Ngunit ngayon sigla at kinang ay nasaan?
Tila nabalot na ng polusyon at kasamaan
Sinakop na ng kadiliman at kasalanan
Iyan ang bansang naghulma sa ating katauhan
Pilipinas ko nasaan na iyong kagitingan?
Na dati karatig bansa ikay hinahangaan
Ngunit ngayon tingnan mo yaring kalagayan!
Silang nakaupo ang palageng may karapatan
Ilang dekada naba sa mindanao ang bakbakan
Kaguluhan ba dooy hindi na maiibsan?
Kelan kaya natin makakamtam tunay na kalayaan
Sa gobyernong nagkukubli sa kabutihan
Ginawa ko ito hindi para magpatama o mambatikos
Nalalaman nyo ba gaanu karami na ang dugong umagos?
Kelan kaya hihinto ang dugo sa pag agos?
Kelan ba tayo sa kahirapan makakraos!
Sila na nasa itaas ang mararangya ang buhay
Hindi nyo ba kayang ang mahihirap ay idamay?
Sa mga natatamasang yaman sa inyong kamay?
Bakit hindi nyo silipin mga dukhang nakaratay?
Limang taon na ng sa lupang pangako ako ay lumisan
Sa pagbalik pagbabago sa bansa aking inaasahan
Ngunit ng makatungtong ako sa mahal kong paliparan
Pagbabago sa bansa ay nasaan,ni hindi ko masilayan!
Mga nasa gobyerno sadya bang bagbubulagbulagan?
Palage nalang ba kayong magtatago sa likod ng kapangyarihan?
Hindi nyo makita dinadanas na hirap ng bansang sinilangan
Oh talaga nga bang kunsensiya nyo wala na sa katauhan!
Pasintabi po sa ating mga kinauukulan
Hindi ko sinasabing itoy pangkalahatan
Kung meron mang iba sa inyoy tinatamaan
Iyon ay sa inyong kamalian,sukdulang kasakiman!
Gayon pa man huwag tayong mawalan ng pag asa!
Nasa ating palad ikakataguyod ng bawat isa
ikaw,ako tayo magtulungan para sa mithiing iisa
Bigkis kamay nating labanan suliranin at problema!
Orihinal na Komposisyon ni: Melchor "jhaz" "vollmer" Delos Reyes Escultura
No comments:
Post a Comment