Habang sa
pagpapatuloy ng aking lathala at pag papanayam sa isang kaibigan punong puno ng
pagsubok ang kanyang buhay ay hindi ko maiwasan ilagay ang sarili ko sa kanyang
sitwasyon at talaga naman kinukurot ang puso habang patuloy siya sa pagsalaysay
ng kanyang mga pinagdaanan.
Ø Ano naman nangyari noong
nasa puder kana ng mga lola at lolo mo sa father side mo? May pagmamalupit ka
bang naranasan sa kanila? “Pag uusyosong tanong ko sa kanya”.
At dahil nga sa
nakikitang kakaibang trato ng aking mga lola sa mother side ko ay agaran akong
kinuha ng aking mga lolo at lola sa father side. Dito maayos naman ang trato ng
aking mga lolo maliban na lamang sa mga kapatid ng tatay kong pumanaw. Sina
lolo na rin ang nag paaral sa akin dahil na rin sa bayani sila ng panahon ng
hapon noon ay may buwanan silang pensyon kaya naman iyon ang ginagamit ko sa
pag aaral at doon nag ugat ang inggit ng aking mga tiyahin sa hindi ko malaman
na dahilan. Minsan akong nakakaranas ng pang aalipusta at makarinig na masakit
na salita mula sa sarili kong kadugo. Andiyan yong lahi daw kami ng mamatay tao
dahil na rin sa malapit na kamag anak namin sa mother side ko ang pumaslang sa
aking ama na kapatid nila. Dumanas din ako ng pananakit mula sa kanila jhaz,
bukod sa masasakit na salita mula sa kanila ay kaakibat pa noon ay ang
pananakit at pambubugbog. Wala naman magawa ang aking mga lolo kundi iiyak
nalang sila. Nag ugat ang lahat ng inggit na iyon at tiniis ko ang lahat mula sa
mga tiyuhin, tiyahin at maging mga sariling pinsan ko. Pineperahan ko lang daw
ang mga lolo ko na silang nag papaaral sa akin. Subalit sa kabila ng mga iyon
ay hindi naging hadlang para mapigilan ako sa aking pag aaral. Nakatapos ako ng
elementarya at high school ng may mga matatas na marka at may mga parangal na
tinamo. Pati ang mga pang aalipusta ng mga kaklase ko sa eskwelahan ay hindi
naging hadlang upang matapos ko ang pag aaral, bulag daw ang aking lolo at mistulang
patay na kalahati ang katawan nag aking lola ang palagiang tukso sa akin ng mga
kaklase ko. Dahil nga naging alipin ang aking mga lolo at lola noong panahon ng
“hapon” kaya nila sinapit ang mga kapansanang iyon.
Ø Tapos ipinagpatuloy mo pa
rin ba ang pag aaral mo sa kabila ng mga pangyayaring iyan sa buhay mo?
“mabilisang pagtatanong ko sa kanya”.
Nagtuloy ako
hanggang ikalawang taon lamang sa kolehiyala, dito kase ako natuto umibig sa
dito ko naranasan umiyak dahilsa pagmamahal at sa makatuwid dito ko rin
naranasan ang makamundong pagnanasa. Buong buo ko ibinigay ang aking sarili sa
lalaking akala ko ay may paninindigan at umaasang pakakasalan ako. Lumuwas ako
ng Maynila sa edad na desi otso jhaz at inalisan at tinalikuran ko ang aking
mga lolo para lang maibsan ang sakit na dulot ng pagmamahal na aking naramdaman
at dito ko rin sa Maynila naranasan na maging malaya. Natuto ako ng ibang mga
bisyo ang mag disco, isang malayang ibon sa maikling salita jhaz. At dito ko
natutunan maglaro ng mga lalaki laro dito laro doon wala akong pakialam kung
masasaktan sila basta ang alam ko makasakit ako at makaganti sa kanila. Inaagaw
ang mag ka relasyon ng may ka relasyon ang tangi ko lamang gusto makasira ng
isang relasyon at makaganti sa mga kalokohan nila. Isa lang ang dahilan kung
bakit ko nagawa iyon dahil sinaktan lang din naman ako.
Ø Adik ka pala ano? Hindi
naman siguro dapat ganun, loka loka ka Queenie. “hahahahahaha”. Isang malakas na
pagtawa ko sa kanya.
Masisisi mo ba ako
jhaz kung bakit ko nagawa ang mga iyon kasalanan nyong mga lalaki. Hanggang bumalik
ulit ako ng probinsya makalipas ang ilang taong puno ng pagsasaya sa Maynila.
Bumalik ako sa aking lolo at lola nagsumamo at humingi nang kapatawaran para
lamang matanggap nila akong muli. Hindi ako nakarinig ng dalawang salita at
agaran akong tinanggap at pinag aral muli. Sa pagbabalik ko sa aking pag aaral
ay pinilit kong ituwid lahat ng mali ko.
Ø Teka ano nang nangyari sa
nanay mo na hindi mo nakita mula 7 taong gulang ka? Hindi naba sila bumalik sa
iyo o hinanap man lamang kayong magkakapatid? “isang tanong na nag marka sa
muka ni Queenie na tila ba may pag ligid ng luha sa kanyang mga naggagandahang
mga mata”.
Mga magulang ko? Ang
totoo hindi ko alam kung nasaan sila kahit anong ideya wala akong alam kung
nasaan na sila. Hanggang isang araw binisita akong kapatid niya ng tiyahin ko
at inimbitahan sa isang pagtitipon. Isa pala itong pagtitipon ng mga kamag anak
mula sa mother side namin. Pagbungad palang ng pinto ay isang tao ang aking
nakitang lumuluha at sa bulwagan na yoon ay hindi nila sukat akalain na ako na
iyong pinsan na iniwan ng aking ina. Ang babaeng lumuluha ay agad akong niyakap
at nang mahigpit at bigla nalang bumagsak ang luha ko ng hindi ko nararamdaman.
“ Anak ikaw naba iyan? Patawarin mo ako anak naging sakim ako anak,
pagpapatawad ang hinihingi ko anak. “ Isang madramang tagpo ang bumungad sa
lahat at hindi mapigilang lumuha ng lahat sa kanilang nasaksihan na matapos ang
mahabang panahon ay sa isang pagtitipon pa kami magkikita ng aking inang
tumalikod sa kanyang resposibilidad. Sa kabila ng lahat ay gusto kong mamuhi
subalit nanaig sa pagkatao ko ang isang anak na nangulila sa ina ng mahabang
panahon. At kahit na ang aking lola na pinagtratuhan ako ng hindi maganda ay
humihikbing panay ang paghingi ng kapatawaran sa akin. Isang iyak at
pagpapatawad na lamang at pagtula ng aking mala kristal na luha ang ibinalik sa
kanila.
Ø Tila ba habang nagkukwento
siya ay ako ang apektado at hindi ko mapigilan manligid ang mga mata ko sa
aking narinig. Napakalungkot naman ng naging buhay mo, huwag mong sabihin may
mas lulungkot pa diyan? Pagpapatawang sabi ko sa kanya upang mapawi ang kanyang
kalungkutan. Sa makatuwid tinapos mo na ang pag aaral mo kase buo na pagkatao
mo? Isang tanong na tila na nagdagdag pasakit sa kanyang dinadalang lungkot.
Yung pag aaral ko,
oo bumalik nga ako sa pag aaral at nag silbi bilang student assistant at may
iskolar ako kaya naman halos wala na silang pinproblema hanggang. Isang araw
nakilala ko ang isang lalaking muli ay magpapaibig at magpapatibok muli nang
aking puso, may ka relasyon siya ng panahon na iyon pero dahil nga sa
kapilyahan ko ay nagawa kong agawin at doon sumugod ang nobya niyang nag umpisa
sa iskandalo sa eskwelahan dahilan para mapahinto muli ako sa pag aaral. At
dahil sa pagmamahal ko sa kanya pigilan man kami ng mga taong nakapaligid sa
amin ay walang makakapigil sa dalawang pusong nagmamahalan. Sa maikling salita
nagtanan kami at nagpakalayo layo at tinalikuran ang marangyang buhay na iniwan
ng aking lolo.
Ø Grabe ka naman Queenie bakit
mo naman nagawa yon? Sayang naman pinag aaral ka para sayong mga pangarap at
para sa kinabukasang maganda tapos tinalikuran mo. “isang sermon na sambit ko
kay Queenie”. Tapos ano naman nangyari sa pagsasama ninyo?
Dahil nga lumayo na
kami at dito na nagbunga ang aming pagmamahalan, nabuntis ako at nagkaroon ng
isang biyayang lalaki pero hindi pa kami kasal dahil na rin sa may kahirapan
ang buhay. Buong akala ko ay wala ng katapusan ang pagmamahalan namin at
magsasama nang masaya habang siya ay nag tatrabaho sa isang opisina sapat naman
ang aming kita panggastos sa aming maliit na pamilya. Ngunit at kasiyahan na
iyon ay napalitan ng pagdudusa at paghihinala ng marami ng balita akong
naririnig sa kanya tungkol sa sinasabing babae niya sa opisina. Dito ay
nagumpisa akong mag imbistiga at akin ngang napag alamanan na tunay ang lahat
ng balita. Oo Jhaz may babae siya at ang masakit nito ay kaopisina nya na
mayroong limang anak ang babae. Hindi ko lubos maisip kung bakit niya nagawa sa
akin ang ganoong bagay na alam kong malakas ang pundasyon naming mag asawa. At
dahil sa ayaw kong maaangkin ng iba ang aking asawa dahil nga mahal na mahal ko
ito ay nakiusap akong tumigil siya sa trabaho at lumayo kami sa lugar na iyon
para maiwasan nya ang babaeng sisira sa aming relasyon. Pumayag naman siya
ngunit sa isang kondisyones ako ang magtatrabaho at siya ang maiiwan sa bahay
dahil na rin ako ang may kagustuhan na lumayo. Mahirap man pero kailangan kong
panindigan ang aking desisyon. Dito na ako nag umpisa nag hirap dahil nga ang
trabaho nya ang aming pinagkukunan ng kabuhayan. Ginawa ko ay nag negosyo ako
naglalako ako ng lutuing ulam at sa gitna nag init habang akay ko ang aming
anak at siya ay nagpapasarap sa bahay. Ang tindi ng hirap kong iyon ang dating
may kaya na ako at hindi sanay sa gawaing pisikal ay naglalako nang ulam sa
init at may kabigatan. Lahat ng iyon ay aking tiniis dahil lang sa ayaw kong
lumayo o iwanan ako ng lalaking sobrang mahal ko. Oo sobrang tanga ko matapos
talikuran ang masaganang buhay ay ito ang kapalit. Habang isang araw sa
kainitan ng araw at habang may sakit ang aking anak na kinakailangan mabilihan
ng gamot ay halos mawalan ako ng malay sa paglalako ng aking paninda sa gitna
ng initan ay minabuti kong umupo at agad nalang ako ay napaluha, napaluhang may
sakit ang akin anak at kailangan nang makakain ng aking mahal.
Ø Huminto at huminga siya nang
malalim na para bang may mas malalim na sasabihin pa. Ako naman ay tila isang
sirang apektado sa ginawang kagaguhan ng lalaking mahal nya. Na kung nasa harap
ko lamang ay baka nasapak ko na. “Tahan na pahirin mo ang luha mo at uminom ng
tubig baka kung mapaano ka”. Isang pag aalalang binigkas nang aking bibig
hanggang nagpatuloy siya sa pagsasalita.
At habang naka upo
nga ako Jhaz ay hindi ko alintana na may isa palang lalaking matagal na akong minamatyagan.
Isang kapitbahay namin na matandang binata. “Sakay na at ihahatid na kita sa
inyo”. Isang alok niya na parang puno nang pag aalala. “ Kailangan ko pa po
matapos at maubos ang paninda ko, salamat!”. Agad kong sabi sa kanya. Common
Queenie alam kong kailangan moko may sakit ang anak mo kailangan ng gamot at
alam kong hindi mo mahihindian ang tulong ko. “ Isang pangungusap na may
kumpiyansa sa sarili ang sambit nya sa akin”. Noong panahon na iyon ay walang
nasa isip ko kundi ang mabilihan ng gamot ang aking maysakit na anak at
mapaghain ng pagkain ang pinakamamahal kong lalaki. Wala ako sa ulirat ng
sumama ako sa kanya at nagulat nalang ako na nasa isang pribadong lugar kami na
aking napag alamanan ay “rest house” pala nila. Napakatahimik at at kahit anong
sigaw ay walang makakarinig. Oo andun ako para ibigay ang aking sarili kapalit
ng gamot at makakain ng pinakamamahal ko. Naluluha ako habang inaangkin nya ang
aking buong pagkababae. Naluluha nalang ako habang pinagsasawaan ng hayok na
lalaking iyon ang aking pagod na katawan at isip. “Diyos ko patawarin ninyo
ako”. Ang mga salitang lumalabas sa bibig ko habang patuloy siya sa pag angkin
sa aking pagkababae. At habang ginagawa niya iyon ay ang aking pamilya ang nasa
isip ko. Hindi ko sukat akalain na nangyayari pala iyon sa totoong buhay na
noon ay sa pelikula ko lamang napapanood.
Ø Minabuti kong pahintuin siya
sa kanyang pagsasalaysay dahil na rin sa kahirapan ng kanyang paghinga. Dahil
na rin siguro sa bigat ng kalooban habang nagsasalaysay siya at ako naman ay
mas lalong nagngitngit sa galit sa mga taong mapagsamantala. Tapos? Ang tanong
ko nang makitang medyo may kaluwagan na ang paghinga niya.
Nagawa ko ang lahat
ng iyon dahil sa sukdulang magmamahal ko sa aking pamilya. Sinamantala ako sa
kahinaan ng lalaking iyon. Magtatakip silim nang makauwi ako nang bahay,
pasalubong ko ay gamot at pagkaing aming pagsasaluhan. “Saan galing ang perang
pinambili mo nito”? tanong nang aking asawa. Tumalikod na lamang ako at
naluluhang naglakad papunta ng kwarto. Kinabukasan ay nagdesisyon kaming lalong
lumayo sa lugar na iyon sa pag aakalang baka hindi ako tigilan ng lalaking
iyon. Lumipat nga kami at doon nag umpisa ang swerte namin nagkaroon kami ng
sariling bahay mga gamit na naipundar at masayang pamilya. Agaran at buong
pasasalamat ko sa Diyos noon dahil sa kabila ng lahat ay hindi niya ako
pinabayaan. At sa lugar na ito matatahimik na yata ang lahat sapagkat
naging matino ang aking asawa buong
akala ko ay tuloy tuloy na ang aming ligaya nagplano na kami magpakasal.
Mayroon na kaming singsing na nakahanda na sa kabila pala ng lahat ng plano na
iyon ay mayroon na naman siyang lihim na tinatago. May babae nanaman siya at
nang minsang pinakita nya ang singsing na gagamitin namin sa kasal ay itinapon
ng babae ito kaya nabunyag na naman ang lahat ng kolokohan ng aking asawa. Sa
makatuwid ay hindi natuloy ang kasal subalit patuloy pa rin kaming nagsama. At
sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay hindi ko makuhang humiwalay. Pumayag akong
dinadala nya ang babae sa bahay namin at doon pa sila gumagawa ng kamunduhan.
Ang kapal talaga ng pagmumuka nya pero dahil sa sobrang pagmamahal ko ay nilunok
ko ang lahat ng iyon para huwag lamang akong iwan ng aking pinakamamahal. Kahit
pinag hubadan nilang mag kabet ay ako ang naglalaba lahat yon jhaz tiniis ko sa
sobrang pagmamahal. Alam kong napakatangan ko at nagawa ko ang lahat ng iyon
hanggang isang araw sa sobrang sakit at hindi ko na kinaya ay pinagdesisyunan
kong humiwalay at dalahin ang mga bata subalit ang kapalit nang pag tatangkang
iyon ay bugbog at marka ng latay dahil sa kanyang kalupitan. Hanggang isang
araw ay may isang kapitbahay na nag magandang loon para tulungan akong
makatakas. Nakawala nga ako sa puder niya dala ang aking mga anak at makalipas
ang isang linggo ay muli kong binalikan ang bahay na iyon upang kunin lahat ng
gamit doon na sa sarili kong pawis nagsimula, pagmamakaawa paglulumuhod ang
ginawa nya pero hindi ko na kinaya ang lahat kaya tumalikod ako at tuluyan nga
siyang iniwan. At makatapos ang isang buwang pangyayaring iyon ay nabalitaan ko
na lamang na nagpakasal na sila ng babaeng iyon. Ang sakit hikbi nalang ang
aking nagawa nang marinig ang isang masaklap na balita. At makalipas din naman
ang iilang buwan ay minabuti kong talikurang ang lugar sa kung saan nagdulot sa
akin ng napakaraming ala ala, mga bangungot na kailanman ay hindi na maalis
subalit maitutuwid ko ang mali at ngayon po ay andito ako sa gitnang silangan
para sa ikatataguyod ng dalawa kong anak na ang nais ko lamang ay mabigyan ng
magandang kinabukasan, namamasukan ako bilang isang katulong na tinuturing na
bagong bayani nang ating bansa.
Ø Pagdakay dagliang tumulo ang
aking mga luha ng hindi ko napapansin, naramdaman ako ang kirot ang sakripisyo
ni Queenie sa buhay. Ang mga pagsubok na halos ikababa na ng kanyang dangal.
“Salamat Queenie sa pag bahagi kung mayayakap lamang kita ay aking gagawin para
maibsan ang sakit”. Agad kong sabi sa kanya. Saludo ako sayo kapatid sa lahat
ng dinanas mo at sa kabila ng lahat ng iyan at nakuha mo pang lumaban sa hamon
ng buhay.
-----END----
*** Isang kwento na
naman ng totoong buhay ang inyong nasaksihan na talaga naman nagpakirot sa
inyong mga damdamin. Ang buhay nga naman ay sadyang mapaglaro, puno nang
pagsubok. Subalit sa kabila ng iyan ay may naghihintay na kaginhawaan, dahil
habang hindi pa nauupos ang kandila mo ay hindi pa natatapos ang buhay at may
naghihintay na bagong tadhana.
Ang kwento pong
inyong nasaksihan ay totoong nangyari at minabuting itago ang tunay na pangalan
ng karakter para na rin sa kanyang pribadong buhay.
Orihinal na
Komposisyon ni: Melchor “jhaz” “vollmer” Delos Reyes Escultura.
No comments:
Post a Comment