Hango sa kwento ng isang totoong buhay ang mga pangalan ay sadyang itinago para kanyang pribadong buhay at kapakanan.
***Dahil sa libangan ko na ang pagsusulat at pagsisiyasat sa makabagong teknolohiya ng henerasyon ngayon at sa paghahanap ng magiging kaibigan sa isang sikat na social network ngayon na kung tawagin nila ay facebook "libro ng iyong muka". Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nakapanayam akong isang bagong bayani rin sa bagong henerasyon "OFW" kung tawagin ay ninais nya at buong tiwalang ibinahagi ang kanyang talambuhay mula pagkabata na talaga naman mapupulutan ng maraming aral halina at tunghayan ang isang madamdaming istorya at makulay nyang buhay.
Ako si Queenie kasalukuyang nasa gitnang silangan, isinilang sa isang lalawigan sa timog Mindanao lumaking marangya sa buhay dahil narin sa may magandang negosyo ang aking ama "gold mining" kaya naman dahil sa ako ang panganay sa aming magkapatid ay talagang buhos ang atensyon nila sa akin at masasabi kong buhay prinsesa ako sa mga panahon na iyon sunod sa luho kung anung naisin ko ay talaga naman mabibili nila isang prinsesa na para bang may magulang na hari at reyna bonus pa ang may masayang pamilya. Buong akala ko ay wala ng katapusan ang ganung buhay sa mura kong edad ay nakalasap ako ng masaganang buhay na akala koy mananatili na at wala ng katapusana hanggang..
Sa edad kong 5 taon ay maagang binawian ng buhay ang aking ama sa isang malagim na holdapan ng mga walang kaluluwang tao para lang makuha ang malaking halaga na dala dala nang aking ama ng mga panahon na yaon. Nagtagumpay sila nakuha nila at dalang salapi ng aking ama at walang awa pa siyang pinaslang upang dahilan para mabawian siya ng buhay. Isang malaking dagok sa pamilya namin yon lalo pa sa akin na nasanay sa marangya at sa pagmamahal ng isang mabuting ama. Ang aga nya para kuhanin sa amin at sa isang banda ang masakit at hindi ko matanggap ay ang malaman kong isang malapit na kamag anak mula sa angkan ng aking ina ang bumawi sa buhay ng aking ama hindi ko alam kung anong poot at galit ang mararamdaman sa mga taong iyon sa mura kong edad.
Tuloy ang buhay hindi pwedeng huminto ang buhay dahil sa pagkawala ng aking ama kinailangan naming mamuhay ng normal na parang walang nangyari ang kailangan namin ay tanggapin ang naging kapalaran ng aming pamilya lalo pa nga at kilala namin ang pumaslang sa aking butihing ama.Iniwan kami ng aking ina sa aking lola sa mother side ko sa hindi ko rin malamang dahilan subalit sa kabila naman noon ay dinadalaw dalaw nya kami. Isang araw ay nagulat nalang kami ng ipakilala nya sa amin ang isang tsino na isang milyonaryo pinakilala at doon ay nag umpisa silang nagsama sa umpisa mahirap tanggapin dahil sumasariwa pa rin ang mukha ng aking ama ngunit sa hindi kalauna'y unti unti na namin natanggap na may iba ng kinakasama ang aking ina sa paglipas din ng panahon ay unti unti kami napamahal sa tsinong itinuring kaming tunay na anak,mabait siya at mapagmahal subalit makalipas lamang ang isang taon ay agaran ng iniwan nang aking ina ang tsino na akala ko ay magiging pangalawang ama ko na sana ng tuluyan at ang mabait na tsino ay lubusang nasaktan at iyak na lamang ang kaniyang naging sandata gustuhin man kaming kuhanin ng tsino ay hindi pumayag ang aking ina at binantaan pang kakasuhan nya ito ng "kidnapping" kung itutuloy ang kanyang ilusyon na maging tunay kaming anak at walang magawa ang milyonaryong tsino kundi burahin ang kaniyang ilusyon.
Sa hindi kalayuan ay mag nakilala na pala ang aking ina na isang tambay ang saklap dahil isang tambay lang pala ang pinagpalit nya sa aking ama amaan na tsino na sa kasamaang palad ay may asawa pa kaya naman mga kapatid na ng aking ina ang gumawa ng aksyon upang maghiwalayin sila at doon sa mga pangyayaring yaon nagsimulang magpakalayo layo ang aking ina at iniwan kaming tatlong magkakapatid sa puder nang aking lola at sa panahon na iyon ay hindi ko na nakita pang muli ang aking ina at dito sa na nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko sa puder ng aking lola na kung saan hindi ko malaman at maisip kung bakit kakaiba ang trato nya sa aming magkakapatid at dahil ako ang panganay sa murang edad ay inako ko ang responsibilidad nang aking ina.
***Habang sa gitna ng aking kapanayam sa kanya ay bigla siyang natahimik at napansin ko nalang na tumutulo ang luha nya at ramdam ko ang bigat na kanyang dinadala hindi ko mawari bakit ramdam ko ang kirot nang kanyang karanasan hindi pa man natatapos ang aming pag uusap marahil ay lumaki rin akong hindi ko manlang nasilayan ang aking ama. At sa pagpapatuloy ng aming pag uusap ay ngiti ang kanyang naisukli at nagpatuloy kami sa pagpapalitan ng mensahe upang ituloy ang kanyang mga naranasan.
Itutuloy…..
Orihinal na komposisyon ni: Melchor “jhaz” “Vollmer” Delos Reyes Escultura.
No comments:
Post a Comment