► Habang naghihintay ako sa isang kaibigan at nag kakape sa DQ "Dairy Queen" isang sikat na restaurant sa Qatar ay minabuti ko munang uminom at kumain sa nasabing restaurant ay nakita ko ang isang common friend na si Leila, Tinawag ko siya na iisang tao pala ang aming hinihintay na si Albert. Dahil sa nakagawian na ni Albert na dumating ng huli sa napagusapang oras ay nagkakwentuhan kami ni Leila hanggang naungkat ang mga nakaraan sa aming mga buhay buhay. Mga personal na usapin hanggang...
Alam mo Jhazthine ang lungkot ng pinagdaanan ko sa nakaraan alam mo bang lumaki ako na hindi ko nakilala ang tunay kong magulang "ang pagbubungad ng usapin ni Leila.
► Huh? bakit anong nangyari,paano?ang mga nakakagulat na tanong ko.
► Huh? bakit anong nangyari,paano?ang mga nakakagulat na tanong ko.
Ganito kase yun jhaz isa akong ampon na pinamigay ng aking mga magulang makatapos ako iluwal, Hindi ko rin malaman sa kung anu mang dahilan bakit nagawa nila yun iyon ang tanong ko sa sarili ko may mga magulang palang kayang ipamigay ang sarili nilang anak. Marahil ay dahil dala na ng kahirapan pang lima ako sa aming magkakapatid at ako ang bunso. Isa lamang magsasaka ang aking magulang at isang may bahay lang ang aking ina. Matapos akong iluwal at maging bata sa mundong ito ay agaran akong binigay ng aking literal na magulang sa isang mag asawang matagal nang nagsasama ngunit wala pang supling. Sa piling nila naramdaman ko ang isang buong pamilya at mula roon ay kinalimutan na ako ng aking tunay na magulang. Sa parehong gobyerno nagtatrabaho ang mga nakagisnan kong magulang ang aking kinalakhan.
► Tapos anung nangyari sa buhay mo sa mga nag ampon sayo? Hindi naba sila nag kaanak? "Pang uusisa kong tanong sa kanya".
Makalipas ang dalawang taon jhaz nagkaroon ng biyaya ang aking kinagisnang magulang at ang mga oras na dati ay nakatuon sa akin ang kanilang atensyon ay nalipat sa kanilang tunay na anak. Hindi naiwasan ang selos ko ng mga panahon na yon dahil na rin sa kasabikan ko sa pagmamahal nila subalit siyempre dahil sa nagkaroon na sila ng tunay na supling eh duon na naka tuon ang atensyon nila at habang lumalaki ako ay doon ko na unti unti naramdaman ang paglayo ng loob nila sa akin hanggang nag minsan nakakaranas na ako ng mga simpleng parusa sa sa kanila na hangad lang siguro nila ay displina, Andiyan yung papaluhudin ako sa munggo o di naman kaya ay sa asin kung uso jhaz ang child abuse noon marahil ay naisipan kong magsumbong subalit sa mga panahon na yun mentalidad nilang isa sa normal na pagdidisiplina yun pati na yung pamamalo. Lumaki akong malayo ang loob mula nang napukaw ang atensyon nila sa kanilang tunay na anak. Hanggang namulat na ako sa ganung sitwasyon hanggang umabot ako sa pagdadalaga jhaz ay naging ganoon hanggang isang araw sa hindi ko malamang dahilan, Tandang tanda ko yun jhazthine edad desa sais ako noon binalak akong halayin ng aking nagisnan na tatay takot ang aking naramdaman galit at poot na ang nagpalaki sayo ay kayang gawin yon buti nalang at hindi natuloy ang balak ng aking ama at sa panahon na yon ay tuluyang lumayo na ang loob ko sa aking mga magulang na kinalakhan.
► Habang nagsasalaysay si Leila ay bigla siyang natahimik at napayakap na tumutulo ang luha ramdam ko ang sakit nang kanyang mga pinagdaanan niyakap ko siya upang maibsan ang lungkot na kanyang nararamdaman parang dinudurog ang puso ko sa aking mga narinig hindi ko rin lubos maisip na ganun pala ang pinagdaanan ng isang masayahing kaibigan hanggang bumitiw siya sa pagkakayakap at binigyan ako ng isang ngiti at nagpatuloy sa pag sasalaysay ng kaniyang mga nakaraan.
Sa kabilang banda ay pinag aral pa rin naman ako ng aking mga magulang hanggang makarating ako ng kolehiyo at nakatapos ng karera bilang isang guro at ng mga panahon na iyon ay minabuti kong lumayo sa kanila at dahil sa kagustuhan kong tuluyan na umalis sa lugar nila at matakasan ang responsibiladad ay natuto akong umibig at sa unang pagkakataon na nagmahal ako ay buong akala ko ay siya na ang aking magiging kabiyak sa habang buhay hanggang dumating sa oras na nag dalang tao ako at dun ako inumpisahan lumayo ng kaisa isang lalakeng minahal ko, At hinarap ko ang pagdadalang tao ng mag isa marami akong narinig na payo na ilaglag ko nalang kung walang mananagot na ama subalit nanaig sa sarili ko ang awa at pagmamahal sa sarili kong anak kaya naman lumipas ang mga panahon na tumayo ako sa sarili ko at itinayo ang sarili na kahit walang ama ang aking anak hindi ko iyon kinahiya bagkus pinakita ko sa kanilang kaya ko mag isa. Habang lumilipas ang panahon na lumalaki ang tiyan ko ay nangungulila ako sa pagmamahal ng isang magulang na minabuti kong lumayo sa kanila at takasan ang buhay na mayroon ako sa kanila subalit tinatanaw ko pa rin naman malaking utang na loon ang pag paparal nila sa akin kaya andito ako sa lugar na kinatatayuan ko. Nagtrabaho ako kahit na buntis at hindi naging hadlang sa akin yun. Hanggang dumating ang araw ng aking kapanganakan na mag isa, Ramdam ko ang lungkot ang pangungulila sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman. Lingid sa aking kaalaman ay nag uumpisa na palang maghanap sa aking ang tunay kong pamilya jhaz para ngang isinugo ng Dyos ang paghahanap nila sa akin dahil nakita daw nila ang pangalan ko sa isang simbahan kaya naman tinunton nila ang aking kinalalagyan. Isang madramang tagpo ang bumungad sa akin isang nakakagulat na oras at araw na yun “anak ikaw naba yan?” “inay ikaw ba ang inay ko?” mga tanong at katagang lumabas sa bibig ko habang tumutulo ang luha ko at nasabi ko nalang sa kanila “bakit inay bakit po?” isang malakas na hagulgol ang ibinalik sa akin ng aking tunay na ina habang “anak patawarin mo kami anak kung kaya lang namin anak hinding hindi namin magagawang ipamigay ka.” Habang halos mawalan ako ng malay sa aking pag iyak na halos sobra akong nangulila sa kanila sa dalawamput dalawang taon na hindi ko sila kilala ay buong akala ko ay kamumuhiwaan ko sila, Subalit ang poot sa kanila at natabunan ng pagkasabik at pangungulila sa pagmamahal nila habang patuloy ang mga luha ko sa paguunahan pababa ng lupa.
► Kinailangan kong magpahid ng luha dahil sa aking mga narinig at kinailangan ko siyang yakapin dahil na rin sa hindi mapigilang luha sa kanyang mga mata, Ganun din ako na talaga naman halos kinurot ang puso ko sa kanyang mga binahagi.
Namutawi ang mga ngiti ko noon sa labi ko jhaz nang mga panahon na yaon ay hindi ko alam kung anu bang itatawag ko sa kanila “Ina si dwayne po ang inyong apo” agad kong pakilala sa kanilang apo. Wala akong narinig na kahit ano sa aking mga magulang na tunay kundi ang paghingi ng kapatawaran habang pumapatak ang luha.”Anak ang gwapo naman ng apo ko kahit sana sa apo ko lang maibawi ko ang dalawamput dalawang taon na pagkawalay natin” mga salitang lumabas sa bibig ni ina .Nangibabaw naman ang kapatawaran sa akin puso at bumuo ako ng aking pangarap na mag isa at minabuti kong umalis ng bansa kaysa ituloy ang aking propesyon bilang guro at ngayon andito nga ako sa Qatar namamasukan bilang isang bagong bayani na kasambahay hindi ko ito kinakahiya bagkus ay ginawa ko ito para sa nag iisa kong anak na walong taon na ngayon at limang taon ko ng hindi nakikita, Ang lahat ng mga sakripisyo kong ito jhaz ay para sa kanya itatayo ko siyang mag isa sa sarili kong mga paa kahit pa mapagod ako sa pagpapagal araw araw. Kung mayroon man dumating na isang lalaki na tatanggapin at mamahalin ako bilang ako ay hindi naman ako nagdadamot ng aking pagmamahal basta kasabay ng pagmamahal niya ay pagmamahal sa aking anak.
► Matapos ang sanaysay niyang iyon ay kasabay ng isang ngiti sa kanyang labi at tila ba nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib sa pagtatago ng kanyang sikreto at ang inyong lingkod naman ay tumataba ang puso sa pagtitiwalang binigay niya sa akin, Maya maya pa ay dumating na si albert para sa aming pagpupulong. Anung nangyari dito bakit tila ba maga ang inyong mga mata “agad na bungad sa amin ni Leila. Isang ngiti ang binigay namin at sinabing “wala ito albert napuwing lang kami halika maupo ka at simulan natin ang pagpupulong..
****Sadya ngang ang buhay ay puno ng pagsubok puno ng misteryong balot na hindi mo maipaliwanag. Minsan ay mismong Panginoon na nag magtuturo sa mga katanungan mo sa buhay as sa bawat problemang iyong pinapasan. Sa huli mas matimbang pa din ang dugo kesa tubig at mas mainam na ipataw ang kapatawaran at pagmamahalan kesa poot at galit ang mamalagi sa ating puso..
-END-
Isang kwento na hango sa totoong buhay na pinalitan sadya ang kanilang mga pangalan para na rin sa kanilang kapakanan..
Orihinal na komposisyon ni: Melchor “jhaz” “vollmer” Delos Reyes Escultura
Thumbs up Bro....
ReplyDelete