Thursday, September 13, 2012

SAPATOS


Sa aking pagbubulay bulay pagmuni muni at habang nakatingin sa sa mga kolesyon kong sapatos ay biglang pumasok ay biglang pumasok sa aking kaisipan ang malalim na kasabihan  "huwag mong isuot ang sapatos ng iba sa sarili mong paa" isang malalim na kataga,malalim na kahulugan, eh anu ba naman ang sapatos sa buhay ng isang tao??anu nga ba??

Sapatos "oo" sapatos  isang bagay lamang na palamuti sa ating katawan bagay na pang porma pang yagang sa mga kakilala  at kaibigan natin lalo pa ata tatak orihinal tatak abroad at pag nag suot ka ng made in china pagtatawanan ka.Maraming klase yan pang pormal pang isport at pang get away yoon bang pang porma at sa bawat sapatos na mayroon ka siguradong natatanging paborito.Eh anu bang koneksyon ng sapatos aking akda sa aking simpleng epiko at anu nga bang kinalaman ng sapatos sa una kong nabanggit na idyomatikong kasabihan?ganito kase yan.
Simple lang nilikha tayo ng Maykapal na mayroon ibat ibang uri ng paa may maliit may malaki may putol may pingkaw,Parang buhay ng isang nilalang hindi tayo nilikha ng para magkapare pareho.Ang talino ng lumikha diba kase sinahugan nya tayo ng "variety" at kung saan ang bawat isa sa atin ay may kanya kanyang katangian.
Kung puno ka ng poot at galit pati inggit sa iyong kapwa sabi nga nila subukan mong isuot ang sapatos ko,pumasok na naman si sapatos sa diba?Subukan mong danasin ang nya kung masaya?Yaan naman kase ang hirap sa tao walang kuntento sa kung akung meron sila marahil hindi ka nga magiging masaya at hindi matatamasa to kung inggit at poot ang nangingibabaw sa puso mo.Huwag na huwag mong ikukumpara ang sarili mo sa kanya kase nilikha kang mayroong natatangi sayo.Kung buhay mo ngayon ay pighati malay mo bukas maganda na ang sapatos mo,sapatos na naman,sapatos na tumutukoy sa iyong buhay.Baka may mga bagay kalang sa sarili mo pa natutuklasan kaya kaibigan iwasan mong ikumpara ang sarili mo sa ibang tao.Hindi ako perpekto,kung bakit ko sinasabi ito gusto ko lamang magkaroon ka ng bukas na kamalayan at bukas na karungan na hindi lahat tayo dito sa mundo ay nilikhang iisa.Tandaan mo kapatid mo kapatid ikaw ay ikaw at ako ay ako hinding hindi tayo magkapareho,yaan ang sapatos mo eto ang sapatos ko,isuot mo ang paborito mo malay mo mapansin ng mga nakapaligid sa iyo na ayos pala ng sapatos mo,at habang pinapangarap mo ang sapatos ng iba mayroong isang taong pinapangarap ang sapatos mo….

Orihinal na Komposisyon ni: Melchor “jhaz” “vollmer” Delos Reyes Escultura

1 comment:

  1. ganda nmn po ng komposisyon nyo...kakarelate :) God Blessed po.

    ReplyDelete