Salitang tila normal na lamang,
Subalit masakit ang hindi nila alam;
Pagkatao ay parang winasak,
Sa bawat salitang binabagsak.
Hindi alam kung saan ba ikaw ay lulugar,
Kahit saan pumunta,nakaraan ang binubulgar;
Tiingnan ang sa tao ay kasalukuyan,
At huwag palagi ang yaring nakaraan.
Paano magagawa ang sa bukas ang pag usad,
Kung palagi ay "BASAG" at ginawang huwad;
Parang tinira ng talikod at patuwad,
Itinulad sa isang lupang luwad.
Para akong isang dinurog na tabako,
Durog yaring aking pagkatao;
Sa inyong salita at tinuran,
Kailan makakatikim ng kapurihan.
Minsan ay kailangan din naman ng suporta,
Hindi itong palaging pang aalipusta;
Sa nakalipas na tila pa palaging pang huhusga,
Iba noon at ngayon akoy narito na.
Sa estado ng buhay na ang utak ay iisa,
Hindi kailangan ng tatlo apat maging dalawa;
Gagamitin ang sarili ko sa aking pagbuga,
Sa hamon ng buhay na kailangan sa sariling paa.
Sa bawat pagkikita ay parang basong basag,
Ang palagi kong sambit ay pakiusap huwag;
Hindi naba ako ay makakahinga ng maluwag,
Pagkatao ko pakii usap huwag naman ibuwag!

Maayos naman itong aking buhay;
sa tulong na rin ng inyong mga kamay,
Sa liilipas na iilang buwan,
Pamihado mamiss nyo aking kakulitan.
OO sa bansang ito handa ng lumisan,
Doon sa Pilipinas aking sisimulan;
Pangarap sana doon maisakatuparan,
Upang buhay maayos ng tuluyan.
Sadya naman ako sa inyo ay nagpapasalamat,
Sa inyong salitang tila may agimat;
Latay ay sadyang sa akin ay bumabakas,
Kapag pinalo nyo ng dilang may angas.
Sa inyo hindi mawawala aking respeto,
Kahit ba durugin nyo na parang semento;
Ang aking pagkatao inuupos ninyo,
Para sa isang bagong ako.
Asahan ninyo hindi kayo ay makaklimutan,
Kahit pa siguro magkamal ng kayamanan;
Isa kayo sa parte ng aking pangkasalukuyan,
Na hindi mawawala na sa akin kailanman.
maraming tao ang magaling manglait d nila alintana kung nkakasakit n cla ng damdamin ng kapwa nila cguro ligaya n nila ang mambasag ;)
ReplyDelete