Sa aking pagmamasid dito sa bagong henerasyon ay hindi ko naiwasang
maikumpara ang panahon noon sa panahon ngayon. Noon ang mga babae sobrang balot
sa damit at hindi makabasag pinggan, ni hindi mo pwede mahawakan dahil sigurado
kasalan ang kakalabasan.
Hindi ka pwedeng manligaw sa kalye, at hindi ka pwedeng hindi manliligaw ng
hindi dadaan sa pagsisibak ng kahoy at usong uso noon na kung tawaging "harana". Aw talagang nakakilig sa mga babae kapag sila
ay naharana lalo pa at iniirog nya rin ito. Sabi nga sa kanta ni blackjack kung
hindi ako nagkakamali "lolo kahit baduy kayong pumorma kay lola ikaw lang
ang nauna at sabi pa ang babae noon parang suman ni wala kang masilip".
Lubhang makatotohanan ang binitawang mga tono sa kantang iyon. Sadyang
napakalaki ng pinagbago ng panahon hindi basta nakahinto at ito ay nababago
dala na rin ng mga makabagong teknolohiya.
Sa isang banda sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang pulutong na
nagchichismisan sa pagbungad palang ng haring araw. " Ang dalagang iyan
naku kalandi buntis walang ama". Bungad ng isang talakerang chismosa.