Tuesday, November 13, 2012

SANAYSAY: KATULONG




Nagmasid, naglakbay ang utak ko sa kung saan habang nakatulala sa mumunting hagdanan. Kahit sarili ko, hindi ko maintindihan hanggang naisip ko matagal na rin pala ako na nangingibang bayan, iba't ibang tao ang nakakasalamuha at iba't ibang karanasan. Samu't saring naririnig na reklamo ng iba't ibang propesyon. May reklamo sa nagliliitang sweldo, sa hirap ng trabaho at bigla ko ng naisip, kung may reklamo kayo ano pa ba ang mga kababayan nating nangingibang bansa para lamang pasukin ang propesyon bilang KATULONG.

Tuesday, November 6, 2012

TULA: KALAPATI




Binugaw siya ay maghahating gabi,
Sa mga hayok at gutom na mga lalaki;
Sa kakarampot na perang kanyang maitatabi,
Para sa sikmurang kumalakalam araw man o gabi.

Pagkatao ay ibinenta at isinangla,
Katawan ay sa kama nakatihaya;
Pikit ang mata sa pangangalunya,
Hindi na alintana kahalayang ginagawa.

Sunday, November 4, 2012

SANAYSAY: PERA


Sa hindi kalayuan mula sa aking lugar na pinag tutuluan ng pawis ay may pumukaw sa paningin ko ang isang pulutong na puno ng tao at nakapila, tila ba isang pila sa isang pelikulang sikat sa sinehan. Agad akong lumapit upang malaman ano bang meron at halos nagkakagulo at nagsisiksikan ang mga tao iba't ibang lahi. Ah bumungad sa akin ay ang pila ng mga taong gusto makapag labas ng pera mula sa isang modernong makina na naglalabas ng pera. Bigla sumagi sa isipan ko katapusan nga pala araw ng sweldo at ang araw na ito ang pinaka hihintay ng mga tao lalo na sa mga nagtatrabaho sa ibayong dagat ng tulad ko.

Friday, November 2, 2012

TULA: BASAG!





Salitang tila normal na lamang,
Subalit masakit ang hindi nila alam;
Pagkatao ay parang winasak,
Sa bawat salitang binabagsak.

Hindi alam kung saan ba ikaw ay lulugar,
Kahit saan pumunta,nakaraan ang binubulgar;
Tiingnan ang sa tao ay kasalukuyan,
At huwag palagi ang yaring nakaraan.

Friday, October 19, 2012

tula: Taong Ligaw




Sila itong mga taong ligaw,
Doon sa entablado pilit sumisigaw;
Tumunog na kampana ng batingaw,
Sila daw ang maghain sa hapag kainan ng sabaw.

Mga pusturang hindi mo talaga matatawaran,
Baon ay ang pangakong kanilang bibitawan;
Sila na daw ang pag asang mag aahon sa kahirapan,
Animo'y komedyanteng humihingi ng pansin ng karamihan.

Sunday, October 14, 2012

ILAW




Asar na asar ako matapos akong gumising mag aalas kwatro ng hapon, isang miskol mula sa QC. Hay site na naman sa alanganing oras at malamang ay gagabihin ako pag uwi pabalik ng planta nito. Tandang tanda ko Oktubre trese dalawang libo at labing dalawa. Hindi nga ako nagkamali nag aagaw ang liwanag at dilim ng makatapos akong gumawa ng sample sa site.

At habang pauwi ako at sakay ng pang konkretong sasakyan at gabi na ng panahon na iyon ay nagmasid ako sa paligid. At umagaw sa aking paningin ang mga nag kikinangang mga ilaw. Talaga namang aagaw ng pansin ang mga kumikinang na ilaw sa paligid, ilaw ng mga poste, gusali at mga sasakyan. Napa isip tuloy ako sa mga simbolo ng mga nag gagandahang ilaw na mga ito. Paano kung isa akong ilaw mahirap din pala kase bawat ilaw ay may simbolo at bawat ilaw ay may responsibilidad.

Friday, October 5, 2012

Tula: Noon, Ngayon at Bukas


 Sa pag ibig may kasiyahan at kabiguan,
Sadyang mahiwaga tinatawag na pagmamahalan;
Isang salita na napakalalim ang laman,
Bawat taong nilikha ang nakakaramdam.

Sa aking pag ibig na nakaraan,
Pilit ko itong binalik balikan;
Sugat na dulot , hindi alam lunasan,
Dapat na nga bang ika'y aking kalimutan?

Thursday, October 4, 2012

HULING TULA - PAALAM






Paano ko ba sisimulan isang tulang pamamaalam,
Mga salitang parang hindi ko kayang panindigan;
Sadyang hindi maalis sa akin ang kalungkutan,
Subalit wala akong magagawa, dahil ito ang iyong kahilingan.

Ikaw nga ay nakilala sa isang biglaan,
Kasabay noon ay pag big kong kabilisan;
Pag ibig na yaon hindi ko napigilan,
At iyong karapatan na malaman.
 

Monday, October 1, 2012

BISYO


Sa patuloy na pag tanaw ko sa paligid, sa alingas ngas ng bawat balita sa tabloyd ay hindi ko maiwasan mag isip grabe na pala ang krimen sa mahal kong sinilangan. Kabilat kabila ang patayan, ang anak ni Ale ginahasa ni sariling ama. Ang pulis sa kanto nagtutulak ng sariling droga ekstra kita. Ang mga batang naglipana sa simbahan, sa ilalim ng tulay at ilalim ng lilim ng puno at sa kung saan saan pang may kanya kanyang dalang supot na kalakip ay rugby! Ang mga kabataang naguumpukan sa labas ng kalsada hubad at maagang lumalaklak ng alak. Iyan ay mga halibawa na namatyagan ng aking matang nababalot ng mga talukap "alangan balakubak"? Patawa lang masyado kasenh seryoso ang aking epiko na hindi ko alam kung may malilimot ba kayong aral.

" Pare! ang seksi ng babaeng iyon oh " Salita ng isang hayok sa laman na lango sa alak.

" Oo nga,  Ano gusto mong gawin natin?" Sang ayon ng kainumang duling na sa serbesa.

Kinabukasan...

Tuesday, September 25, 2012

Makabagong Dalaga


Sa aking pagmamasid dito sa bagong henerasyon ay hindi ko naiwasang maikumpara ang panahon noon sa panahon ngayon. Noon ang mga babae sobrang balot sa damit at hindi makabasag pinggan, ni hindi mo pwede mahawakan dahil sigurado kasalan ang kakalabasan.

Hindi ka pwedeng manligaw sa kalye, at hindi ka pwedeng hindi manliligaw ng hindi dadaan sa pagsisibak ng kahoy at usong uso noon na kung tawaging  "harana".  Aw talagang nakakilig sa mga babae kapag sila ay naharana lalo pa at iniirog nya rin ito. Sabi nga sa kanta ni blackjack kung hindi ako nagkakamali "lolo kahit baduy kayong pumorma kay lola ikaw lang ang nauna at sabi pa ang babae noon parang suman ni wala kang masilip". Lubhang makatotohanan ang binitawang mga tono sa kantang iyon. Sadyang napakalaki ng pinagbago ng panahon hindi basta nakahinto at ito ay nababago dala na rin ng mga makabagong teknolohiya.

Sa isang banda sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang pulutong na nagchichismisan sa pagbungad palang ng haring araw. " Ang dalagang iyan naku kalandi buntis walang ama". Bungad ng isang talakerang chismosa.

Sunday, September 23, 2012

PRINSESA AKO NOON BAYANI AKO NGAYON " PART 2 "


Habang sa pagpapatuloy ng aking lathala at pag papanayam sa isang kaibigan punong puno ng pagsubok ang kanyang buhay ay hindi ko maiwasan ilagay ang sarili ko sa kanyang sitwasyon at talaga naman kinukurot ang puso habang patuloy siya sa pagsalaysay ng kanyang mga pinagdaanan.

Ø  Ano naman nangyari noong nasa puder kana ng mga lola at lolo mo sa father side mo? May pagmamalupit ka bang naranasan sa kanila? “Pag uusyosong tanong ko sa kanya”.

At dahil nga sa nakikitang kakaibang trato ng aking mga lola sa mother side ko ay agaran akong kinuha ng aking mga lolo at lola sa father side. Dito maayos naman ang trato ng aking mga lolo maliban na lamang sa mga kapatid ng tatay kong pumanaw. Sina lolo na rin ang nag paaral sa akin dahil na rin sa bayani sila ng panahon ng hapon noon ay may buwanan silang pensyon kaya naman iyon ang ginagamit ko sa pag aaral at doon nag ugat ang inggit ng aking mga tiyahin sa hindi ko malaman na dahilan. Minsan akong nakakaranas ng pang aalipusta at makarinig na masakit na salita mula sa sarili kong kadugo. Andiyan yong lahi daw kami ng mamatay tao dahil na rin sa malapit na kamag anak namin sa mother side ko ang pumaslang sa aking ama na kapatid nila. Dumanas din ako ng pananakit mula sa kanila jhaz, bukod sa masasakit na salita mula sa kanila ay kaakibat pa noon ay ang pananakit at pambubugbog. Wala naman magawa ang aking mga lolo kundi iiyak nalang sila. Nag ugat ang lahat ng inggit na iyon at tiniis ko ang lahat mula sa mga tiyuhin, tiyahin at maging mga sariling pinsan ko. Pineperahan ko lang daw ang mga lolo ko na silang nag papaaral sa akin. Subalit sa kabila ng mga iyon ay hindi naging hadlang para mapigilan ako sa aking pag aaral. Nakatapos ako ng elementarya at high school ng may mga matatas na marka at may mga parangal na tinamo. Pati ang mga pang aalipusta ng mga kaklase ko sa eskwelahan ay hindi naging hadlang upang matapos ko ang pag aaral, bulag daw ang aking lolo at mistulang patay na kalahati ang katawan nag aking lola ang palagiang tukso sa akin ng mga kaklase ko. Dahil nga naging alipin ang aking mga lolo at lola noong panahon ng “hapon” kaya nila sinapit ang mga kapansanang iyon.

Thursday, September 20, 2012

ROSAS AT TINIK | Tula para sa Kanya




Nang mamatyag ko ang isang rosas,
Sa puso ko siya pala ang magpoposas;
Pag ibig ko na tila ba kay wagas,
Hindi ko mahanapan ng salitang "wakas".

Sa pag ibig ako'y hapong hapo,
Ngunit ng ikaw sa dibdib ay dumapo;
Tila isang abo doon sa hangin,
Gagawin ang lahat ikaw lang ay mapasa akin.

Tuesday, September 18, 2012

Si Eva at Ako sa IIsang Pagkatao ( The Argie Gentiles Story)




Bagot na bagot ako sa isang araw na trabaho sa gitna ng initan walang pumapasok sa isip ko ng araw na iyon facebook lang at nakaupo sa loob ng sasakyan. Hindi ko mawari kung bakit pumasok sa isipan ko ang isang kaibigan noong nasa kolehiyo pa lamang kami, Isang kaibigan na matagal nagbalat kayo sa kanyang pagkatao. Kaya naman agad akong nag bukas ng isang account sa Fb para iwanan siya ng mensahe at usisain ng mga katanungan at walang kasiguraduhan kung mag babalik din ba siya ng mensahe, Mapalad naman ako at sa ilang minuto ay nakatanggap ako ng reply mula sa kanya.

Ø  Kamusta kana? Naalala mo paba ako kaklase mo nung kolehiyo? Isang mausisang tanong ko.

" Ok naman ako ikaw kamuzta ka? Andirito pa rin ako sa Dubai ngayon namumuhay ng may katahimikan    "agad naman nyang balik ng sagot sa akin".

Sunday, September 16, 2012

TALAMBUHAY NI TAMULMOL ( The Andalosian IV Dubai Chapter )




Matapos ang ilang buwan at linggong paghahanap ng murang bahay para lang makatipid sa renta sa Dubai ay marami kaming napuntahan,may ilang halos sardinas na ang inuukupahan para lamang sa kakaunting perang matitipid na maidagdag sa budget nila sa araw araw na gastusin.Hanggang napunta kami sa siyudad (sosyal rigga) ui kina mami kung tawagin sa isang lumang gusali na kanyang pinapaupahan may kagandahan naman ang loob ng kanyang mumunting nirerentahan at doon nga kami ay umupa nang ilang buwan matapos kaming maghanap ng bahay na masisilungan buong akala naming ay maganda na ang lagay naming bukod sa mura na ang upa ay may mababait pa kaming kabahay ( mabait daw ).Nagkaroon na kami ng duda matapos kaming singilan ng advance and deposit na dati ay hindi naman nya ginagawa..At makalipas ang isang linggo matapos ang kanyang hiningi boom ayun ipapagiba na pala ang gusali na isa na yata sa pinakaluma sa bayang nasabi..Hindi namin alam kung paano lilipas ang gabi gayong may kainitan pa ang panahon at sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumawag ang isang katrabahong nagmamalasakit sa amin nang kanyang mabalitaan ang sinapit namin.

Phone ringing: kring kring kring kay simon pala
Simon: Hello ferdz?
Ferdz: hoi simon pedro dito na kayo lumipat sa amin sa hor al anz.
Simon: Magkano naman ang renta diyan?
Ferdz: upahan nyo na yung isang bakanteng kwarto  500 apat kayo
Simon: ok sige papunta na kami diyan at agaran kaming lilipat nina Jhazthine,Manager, at Mac. Pero wala pa kami pambayad huh alam mo naman naisahan kami sa kwartong aming inuupahan.
Ferdz: sige sabihin ko kay tita Marian. (ui natatandaan nyo paba siya si madam Marian).

Saturday, September 15, 2012

Pilipinas!!



Kulang tatlumpung dekada ng akoy sinilang
Sa aking mahal na Bansang kinamulatan
Dito namulat sa aking lupang tinubuan
Na kung tawagin ay perlas ng silangan

Ngunit ngayon sigla at kinang ay nasaan?
Tila nabalot na ng polusyon at kasamaan
Sinakop na ng kadiliman at kasalanan
Iyan ang bansang naghulma sa ating katauhan

Friday, September 14, 2012

TRISKELION POEM




Inukit ng oras, pinatatag ng panahon,
Dekada sisenta ng ang apat ay mag sang ayon;
Na bumuo na mag iisa sa ating nasyon,
Iyan ang kapatiran ko, kapatid kong TRISKELION.

Thursday, September 13, 2012

KAPE


► Habang naghihintay ako sa isang kaibigan at nag kakape sa DQ "Dairy Queen" isang sikat na restaurant sa Qatar ay minabuti ko munang uminom at kumain sa nasabing restaurant ay nakita ko ang isang common friend na si Leila, Tinawag ko siya na iisang tao pala ang aming hinihintay na si Albert. Dahil sa nakagawian na ni Albert na dumating ng huli sa napagusapang oras ay nagkakwentuhan kami ni Leila hanggang naungkat ang mga nakaraan sa aming mga buhay buhay. Mga personal na usapin hanggang...

Alam mo Jhazthine ang lungkot ng pinagdaanan ko sa nakaraan alam mo bang lumaki ako na hindi ko nakilala ang tunay kong magulang "ang pagbubungad ng usapin ni Leila.

► Huh? bakit anong nangyari,paano?ang mga nakakagulat na tanong ko.

SAPATOS


Sa aking pagbubulay bulay pagmuni muni at habang nakatingin sa sa mga kolesyon kong sapatos ay biglang pumasok ay biglang pumasok sa aking kaisipan ang malalim na kasabihan  "huwag mong isuot ang sapatos ng iba sa sarili mong paa" isang malalim na kataga,malalim na kahulugan, eh anu ba naman ang sapatos sa buhay ng isang tao??anu nga ba??

Monday, September 10, 2012

Prinsesa Ako Noon Bayani Ako Ngayon - Part 1



Hango sa kwento ng isang totoong buhay ang mga pangalan ay sadyang itinago para kanyang pribadong buhay at kapakanan.

***Dahil sa libangan ko na ang pagsusulat at pagsisiyasat sa makabagong teknolohiya ng henerasyon ngayon at sa paghahanap ng magiging kaibigan sa isang sikat na social network ngayon na kung tawagin nila ay facebook  "libro ng iyong muka". Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nakapanayam akong isang bagong bayani rin sa bagong henerasyon "OFW" kung tawagin ay ninais nya at buong tiwalang ibinahagi ang kanyang talambuhay mula pagkabata na talaga naman mapupulutan ng maraming aral halina at tunghayan ang isang madamdaming istorya at makulay nyang buhay.

Pilipinas Kong Mahal



Ika dalawamput dalawa ng Mayo taong isang libo siyam na raan walumpu't apat ang araw ng kapanganakan ko... Lumaki sa normal na pamilya kumakain ng tatlong beses sa isang araw, nakakapag laro ng normal, nakakapag aral sa pampublikong paaralan at lumaki sa lugar ng mga bayani... Sa isang lalawigan sa kung saan unang winagayway ang watawat ng kalayaan.... Sa isang bansang tinitingala doon sa timog silangan kita ang kinang at kabayanihan, ugaling maipagmamalaki sa kung saang sulok man ng mundo masasabing lumaki akong Pilipino at mamatay na Pilipino?
Subalit nasaan na nga ba ang "Kalayaan'? Kalayaan bang maituturing tayo'y alipin sa sariling bansa? At ang mga umuunlad ay silang mga dayuhang dati'y ating kinakalaban na ngayon ay sila ang nagpapatakbo ng ekonomiya sa ating sariling bansang tinubuan?? OO katotohanan na mahirap tanggapin nasaan na nga ba ang pinaglaban ng mga ninuno nating nagbuwis ng buhay at gumamit ng tabak upang ipagtanggol ang bansang kanilang minamahal?? Ang tanong ko rin "nasaan"?

Friday, September 7, 2012

TULA: JESUS "PANGINOON"



Sa mundo, sa langit at lupa ikaw ang lumikha,
Sa mga kasalanan namin na  ikaw ang sumalo  dito sa lupa;
Sadya ngang walang hihigit pa sa iyong pagkadakila,
Kahit pa buhay ang iyong inialay para kasalanang aming nagawa.

Sadya nga Jesus ikaw ang may pusong dalisay,
Hininga mo sa amin ay iyong ibinigay;
Walang hanggang pag-ibig mo sa amin ay inialay,
Mga salita mo sa araw araw ang aming gabay.

Manibela ng Buhay


Maraming tao ang kinukumpara ang buhay sa isang bagay, andiyan ang kasabihan ang buhay daw ng tao ay parang gulong na kung minsan nasa itaas nasa ibabaw..Mga katagang tumatak na sa ating kaisipan mga salitang tinanggap nalang ng lipunan kung paano ikumpara ang buhay sa isang bagay..Marahil nga ay may kanya kanya tayong paninwala kung saan mo ikukumpara ang iyong dinadanas na buhay..Maraming bagay ang sa utak mo ay maglalaro bakit ganito bakit ganyan karaniwang tanong mo sa sarili mo bakit nga ba ang buhay ko ay ganito sa kabilang banda wala naman dapat sisihin kase ikaw ang nagmamaneho ng manibela ng buhay mo.

"Mahika ng Maling Akala"



maraming tao ang sadyang magaling sa larangan ng salamangka sadyang talentado sa larangan ng mahika..sa isang banda mapapahanga ka sa kanilang angking talento minsan pa nga nga ka sa husay nila sa ilusyon o maaring ikaw ang nag iilusyon..anu nga bang koneksyon nito sa sanaysay na gusto kong ipahiwatig?